Jologs is Me

Mahabang mahabang pag-uusap sa plurk na nagsimula tanong na:

kung me nakakaalala sa nyo nung pagkain na “nano-nano”? ano nang pagkain nun? (here)

Of course naman ang mga tao eh kaysa sagutin ng maaayos ang tanong eh kinanta ang jingle. (Oo yan yung everlasting effect ng nano candy. Nawala ata sya agad sa market pero the jingle lasted forever. Forever syang LSS sa mga utak namin waaaah!)

Sa habahabang pagrereminisce ng mga plurkers-in-mid20s, eto lang masasabi ko. Jologs ako.

Gusto nyo ng mga proof? (Actually di kelangan, malamang masaya na kayo na aminado ako sa pagiging jologs ko. Hahaha!)

  1. Alam ko ng lyrics ng mini-song sa Mighty Mouse and the Robo-rats ni Joey de Leon
  2. Alam ko ang moves ni Skeletor sa kanyang dance number sa She-man:Mistress of the Universe
  3. Lyrics ng Ikaw ang Aking 1-4-3 Jollibee jingle
  4. Alam kong may complete version yung I Love You Sabado jingle! (although di ko alam ung lyrics)
  5. RCA home videos, ZAA’s Nature touch tawas, 3D Supermatic at maraming pang iba.

So what ano? Kase marami din namang nakakaalam nyan. So alam nyo ba talaga yung #3?

ang umaga ay sisilip
ikaw ang napanaginip

laging masaya ang gising
buong araw kang kapiling

at pag kagat na ang dilim
ay mauulit ang tikim

umaga, tanghali, gabi
ikaw, ako, magkatabi
i have to say
oh can’t you see
ikaw ang aking 143…

i love you Jollibee

Yan kung may nakakaalala nyan. Hanggang I love you Sabado lang kayo no?

Pero.. hanggang pang80’s at 90’s lang ako. Nawala na ako ng access sa TV nung mga late 90’s hehehe. Hmm baka di pa ako ganun ka-jologs me pag-asa pa ako. Tingin nyo?

Ayun, tribute na lang to the most influential San Miguel Beer commercial of all times (RIP Bert Marcelo)

Shiboom!

You can leave a response, or trackback from your own site.

4 Responses to “Jologs is Me”

  1. aleng says:

    wahahahaha.. ayun.. naging blog na LOL jolegs ka meemax!

  2. meemax says:

    Jologs poreber! Ang jologs say AY!

  3. potsquared says:

    ahahaha talagang ni blog pa ni meemax!! panalo!! ~wag mong isipin yan my friend! away ng tao at daga’y mag THE THE END! ehehehehehe

  4. meemax says:

    oo. since pinag-aksayahan na natin ng panahon yung topic itself. i-blog na! para maimmortalize. hehehe.

Leave a Reply to potsquared

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery