January 18, 1998 sinagot ko ang aking first laaaaab. Sinulog nun at syempre dahil bawal pa ako magkaboyfriend, sa kalsada ko sya sinagot. 15 years old pa ang beauty. Maganda, bata pero hindi kumekerengkeng. (Mabenta lang talaga. Aw!)
His name? Jesus Basilio Sable. Kerri?
Okay sana kung yung pronunciation ay Gee-sus Sey-ble, para sosy at pwede pang pang-entry sa Marvel comics mala Silver Sable. Kaso sadyang bisaya talaga: He-sus Basilio Sab-le. Parang extra sa isang nawawalang comedy skit na gawa ni Jose Rizal. Jesus Ginoo!
Match made in Jologs Heaven di ba? Sa mga di nakakaalam, Ma. (Maria) Kharisma ang pangalan ko.
Ma. Kharisma at Jesus Basilio.
I rest my case.
(Sa mga curious, hindi ganun ka improved yung sumunod: Ricardo Christopher. Pero pwede na rin. Hehehe.)
pano mo kaya mumurderin pangalan ko? :p
Hahahaha! Safe ka. Di naman kamurder-murder pangalan mo.
Ewan ko ba kung bakit naging ganun pangalan nun. Eh yung kapatid nya Stephen. Malayo. =P
makarma! hahaha..
*in response to testing comments ..hehe..
ano meron sa comments?
Si Jan kase nag-error sa kanya. Eh pangalawang time na ring may nagsabi sakin na nag-error daw. :-S
jologs talaga! wahaha, huhuhu, oh no, memories! :((