“sensya na lang last time sa mga sinabi ko…”
Yan ang nakuha ko sa YM mula sa isang ex na 9 years ago ko pa ata huling nakausap. Amfufu! Gulating factor itech. Nagsosorry sa pagiging manhid at cruel nung tinanong ko sya “what the hell was wrong with you” back then.
Isipin nyo. Kinaladkad ako sa ibang isla ng pamilya ko papalayo sa kanya, sinabihan nya pa ako ng “Hold on to what we have” eklavu, tapos iiwan lang pala ako sa isang phonepal girlfriend nya na never pa nyang nameet sa buhay nya?! Bwakanang ahas yun! Ang kups di ba? Kupal pa sa totoong kupal sa ilalim ng *toot* nya. Grrrrrr!
“first off, gusto ko lang malaman na walang bad feelings between us….second, meron akong gustong itanong kung may tumawag ba sayo before saying na kilala ako?”
…
“kaya ko kasi gusto malaman kung nakausap mo nga sya kasi after all this time akala ko may nanloloko lang sakin nung time na un”
…
“na napaka gullible ko at that time”
So ayun, gusto nyang malaman kung tumawag sa’kin ang naturang phonepal
love ni Kupal-Ex. Syempre hindi no. Bagsakan ko kaya sya ng phone. Languyin ko pa mula Visayas hanggang Luzon para magsabunutan kami.
“so that means im insane”
…
“i tried hard para magmeet pero im stupid not to believe na everything was a bigfat sad/sick joke”
Wahahahaha! I would have been truly happy… kung di ko lang narealize na pinagpalit ako sa isang prank call! Leche!
Imaginary lang pala yung love life ni Kupal-Ex with Kupal Phonepal Girlfriend. Pinagtripan lang ata ng rich kid with too much time in her hands. (Of course, pwede sana tayo mag-assume na katulong pero halata naman siguro no.)
Grabeh! Pathetic-nezz in the lowest level. Yup. That’s me. The girl na iniwan para sa isang imaginary relationship. Nakakainis. Nachurva ako sa isang eklavu na chuva. Punyeta, punyemas, amfufu, ampotah! Atay pisting yawa na giahak pa gyud!
Haaay. “Closure” he says. Saksak mo sa a*al mo yang closure mo! (Sorry daming mura. Pero di ba? Gaaaaaaaaaaaah!)
Ang aking Kupal-Ex boyfriend. Bow!
good riddance!
@leenlang hahaha. sobra! kainez.
bagaa ug nawong sa… kulang pa ning tanang pagyawyaw nimo dire oi. 😀
Happy New Year meemz!
bagaa gud! kulang pa ning mga gipangyawyaw nimo dire meems… hehe
Happy New Year!
wahahaha, ang kupal nga. kumusta naman :))
Kalimti ang buanga na. Way klaro. Hehehe… It’s his loss bitaw.
wahahahhaa…nabasa niya kaya i2?kawawang kaluluwa…;)
Hindi pa ata. Pero di ko naman tinatago. Hehehe.