Alam n’yo ba ang Chocnut n’yo?
Blind-folded. Several glasses. Ultimate taste test. Alam n’yo ba ang beer n’yo?
Last month, nagpadala ng package ang aking Nanay-dearest. Of course, dahil Chocnut baby ako (sa Chocnut dumedede), wala nang makapagpapasaya pa sa akin kundi ilang packs (‘s’ – plural po) ng manamis-namis at nakakaasam na Chocnut!
(Status: Will work for Chocnut)
Problema nga lang: mahirap maghanap ng Chocnut sa Cebu.
Kaya heto ako ngayon, facing the ultimate taste test nang matanggap ko ang pinakahihintay na package.

(What the heck are Choc-o-Star’s?)
Ang kulit ano? Bakit ba hindi sumusuko ang mga wannabe’s sa panggagaya sa Chocnut? Musmos pa Nanay ko, buhay na ang Chocnut. Para itong si Hulk Hogan ng mga Chocolate-Peanut mutants, at di ito matalo-talo ni Ultimate Warrior.
Ang hatol:
Hany – Yech! Papasa lamang bilang choco-kendi. Super TH (trying hard) naman netong talunin ang Chocnut sa pag-aakalang makakakuha ito ng fans dahil mas matamis sya sa Chocnut.
Choc-o-Star – Pwede na. Mas malalasahan ang choco. Hmm.. contender.
Chocnut – Panalo! Walang tatalo! Mabuhay ang pambansang tsokolate!
Wala pa ring papalit sa aking puso. Love may come and go but chocnuts are forever.
I know my Chocnut. Kayo? Alam n’yo ba Chocnut n’yo?
3 responses to “Alam n’yo ba ang Chocnut n’yo?”
chocnut din ako…pero d ko pa nga lang natitikman ung choc-o-star 🙂
hahaha naenjoy ako sa post mo
i also like chocnuts, whatever d brand, basta chocnut, ok!!!
Duon ako sa Hany… basta may supplier na 6 pesos lang kada 24 pcs na pack hahaha. 😀