Ang Paghamon sa aking mga Balut-deprived Tuhod

As a kid, di talaga ako active dahil mabagal akong tumakbo. Mabagal akong tumakbo dahil mahina ang tuhod ko. May mga times talaga na bigla nalang bibigay ung tuhod ko, tapos sapol sa pavement ang beauty ko.

(Di kase ako mahilig sa balut. Talagang wala nang chance lumakas pa ang tuhod. Hehe!)

Natuto naman akong mabuhay ng may ganitong kapansanan. I eat, sleep, occasionally go out. Masaya ang buhay.

(Parang disabled haha!)

Di ko akalaing darating ang araw na… magshushutdown ang elevator sa office!

Tingininginingining naman! Elevator maintenance ngayon. Syempre di ko alam. Automatic reflex na kasi ng utak kong patayin saglit ang mga brain cells ko pag nakakakita ng Japanese Text. Puting papel lang ang nakikita ko sa posted notice. Crap!

Punta ako sa fire exit para harapin ang aking hamon.

(picture not mine, click on the picture to find out)

9 floors po ang building. 9th floor ang office. Hala mga tuhod, akyat!

3rd floor: Not so bad. Kaya ko to!

4th floor: Sumasakit na tuhod ko.

5th floor: Sige pa. Halfway na. Hingal hingal hingal…

7th floor: (Tuhod shouting: Ayaw na namin!!!)

I need to chant my Mantra: Pera pera pera pera… pag-umabsent bawas sa sweldo.

8th floor: One more floor!!!

9th floor: Yatta! I really did it! Bow ang 8 flights of stairs sa akin huh!

(Now if I can only find a way to crawl into the office without looking pathetic.)

Ang Paghamon sa aking mga Balut-deprived Tuhod

Ang Paghamon sa aking mga Balut-deprived Tuhod

2 responses to “Ang Paghamon sa aking mga Balut-deprived Tuhod”

  1. ramil Avatar
    ramil

    a month ago pa ata inannounce yun :p

  2. Anonymous Avatar
    Anonymous

    Saludo na ko nimo meems!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *