Isang Araw ni Tambay Meema

Kwento ko lang anong nangyari sa isang araw ng jobless life ko.

Putol na ang phone ko for a week now. Umabot ng credit limit. Ilang araw na akong nakakakuha ng SMART message na bayaran ko na raw o mapuputulan ako. Kase, lakas magtext. Kaya heto, all incoming (call/text), no outgoing.

So imagine my surprise (and my happiness!), without bayad, biglang ginising ako ng message one morning:

“Hello! Your credit limit has been increased to PXXXX.00” Almost 2 times ng current limit ko! Yey may outgoing ulit ako! Pero weird. Hmm.. “Pwede pala yun? Bakit?” isip ko. “Bahala na. Tulog nga ulit. Aga pa. Basta swerte ko.”

May phone interview ako dapat ng hapon. (Syempre hapon. Hilik pa ang beauty ko sa umaga hanggang tanghali. Pangit naman kung sa phone interview boses-kama pa ako. Wehehe!) Tapos, nagring ang cellphone. Argh! Di ba ako patutulugin ulit!!!

Job – XXXXXXX displays on my screen.

Sy*t! Tumatawag na ung interview. Akala ko ba hapon pa? Magboboses kama ako neto.

Answering.

“Hello, Ms. XXXXXXX ?”

Wow! Hindi ako boses kama. Himala! (Promise. It was.)

After interview, putol na rin tulog ko, I got online.

YM: “Meema asan ka?”
AKO: “Bahay. San pa ba? Mamutamuta pa nga eh.”
YM: “Tawagan mo si X. Hinahanap ka! Something’s wrong. Kausap ko online kanina umiiyak ata.”
AKO: “What?!?!?! Lint*k na!”

I got a hold of her after missed calls (sumagot ka damn you!). She was not herself. Iyak. Hikbi. Hagulgol. Pagwawala na hindi mo maintindihan!

Nakainom na sya ng 12 (or more) strong sleeping pills, ilang vitamin C at ilang myra-e.

(Actually, di nya naubos ung vitamin C at myra E dahil di nya na mabuksan ung foil ng tablet sa sobrang high. Sinasampal nya na sa table baka bumuka. Funny kung di lang serious ung situation.)

I went there after I called my brother (who’s closer to the location) to intervene (nakipagwrestling pa sya para sa natitirang tablets). Lots of things happened after pero di ko na isasali.

Yun ang kwento ko.

She’s well now. She’s happy I think. I’m just happy na naincrease ung limit ko that day at namove (early) ung interview ko that day. Ayoko nang isipin anong mangyayari kung di ako ginising ng interview para magonline; kung di nag-increase ung limit ko to call her.

I believe in happy coincidences. But this, I think this was a miracle. Buhay ang bestfriend ko. And I’m eternally grateful sobra!

(Plus yung miracle na ginising ako ng Diyos ng maaga via interview at inayos nya boses-kama ko. O di ba? God thinks of everything. Thanks Holy Dude!)

You can leave a response, or trackback from your own site.

One Response to “Isang Araw ni Tambay Meema”

  1. Brando says:

    hey,

    currently ka bang naghahanap ng work? may mga opening kasi sa amin, email me sa lord.brandxxx@gmail.com kung interested ka

Leave a Reply to Brando

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery