Parang ANTS, nakakalakad sa WALLS!?!
Syempre, hindi po ako maglalagay ng poem o lyrics ng kanta o kung anumang palaisipan. Magkukuwento po ako. Kasama po yan sa medyo-vain (opo, medyo lang po. blog ko to, walang kokontra!) personality ko: magkwento tungkol kay yours-truly!
I’m sure namimiss na ako ng mga fans ko. Kay tagal ko ring hindi naupdate. Wehehehe!
Heto po kami. Susubukan namin tong bagong wallclimbing facility ng Metrosports dito sa Cebu. For first-timers daw kase… E mga gusto kase naming magpapayat kaya sige… tingnan nga natin anong galing ng mga beauty.
Heto po kami (sinabi ko na ata to). Limang magagandang dilag. (Nakikita nyo ba aura namin?)
Eto po ako. Kahit maliit ang mga braso, pilit talagang akyatin ang Mount Ararat. Paglaki ko gusto kong maging langgam, nakakalakad sa walls!! Yup hanggang langgam lang pangarap ko. Ayoko maging spiderman kase with great powers comes great responsibilities. Ayoko nga! Tamad kase ako.
Syempre, naka-ALIGN-CENTER ang beauty namin. Hmmm… I like this picture. Ganda ko kase dito. Di nga halatang pawispawis. 3 times po kaming umakyat. Nakakatakot sya actually, pero pagmalapit ka na kase parang sayang din di ba?
O mga fans, masaya na ba at nasilayan nyo ulit ang beauty ko? Hehehe… sa uulitin!


