Sadya yatang tamad ang mga Pinoys (specifically mga Tagalog) at nahahabaan talaga sa pangalan ko (refer to previous entry). Kaya ayan, ang dami-dami-dami kong pangalan o bansag.
Me mga confusions talaga at pagkakamot ng ulo. Kaya heto, ililista ko na para kung magtagpo man kayong mga kilala ko at least malalaman nyo kung me common friend kayong ever sikat. (Moi!)
1. Maria
Pangalan ko nung preschool at elementary. Sa sobra ko kaseng talino, tinanong ang first name ko, sabi ko Maria. Eh ano nga ba naman nauuna? Maria di ba?
2. Kharisma
Nagets ko na na hindi Maria ang common na pantawag kung me iba kang pangalan kesa sa Maria. Nagsawa na kase ako sa jokes na Maria went to town, Maria Makiling at kung anek-anek pa. Napalitan lang ng Kakaibang Karisma jokes.
3. Meema
Palayaw ko talaga sa mga Tagalog relatives ko simula kamusmusan ko pa. Yung mga Bisaya, #2 talaga tawag kase mas masarap isigaw hehehe. (HOY KHA-RIS-MA!!!) Mga Tagalog naman nahahabaan. Tsk!
4. Khars
Yes. Sa mga nagdedelusion na may gulong ako at kambyo, sorry babae po ako. Kaugalian na ng mga Bisaya ang magpaikli ng pangalan, gawa sa first syllable at dudugtungan ng ‘s‘ o ‘z‘. Kaya ganyan. Me friends akong Ligz (for Ligaya), Mars (for Maricel) at Liz (dahil Liz talaga pangalan nya).
5. Sima
Short of Kharism. O di ba? Parang autism o narcism. Para akong sakit mentally o psychologically. Bansag ng kakaklaseng naging so-called 2nd bestfriend ko noon (ata). Gusto nya kase ng special na pangtawag, for her and only her.
6. Meemax
Bansag ni Ador. Ganyan lang talaga sya. At nagstick na yung pangalan. Naging software pa nga eh, ginamit kong pangalan sa isang project wahahahaha. Gumanti naman ako. Ador is for Adoracion, Adoru-kun or YDOM (youngest DOM alive hahahaha… ibang blog entry to pero magpapaalam muna ako).
7. Max
from Meemax. Dahil tamad ang bestfriend kong sabihin ang buong Meemax.
8. Meemix
Bansag ulit ni Ador. Didn’t stick. Para ka kaseng psychophatic na may stiff neck pag sinasabi mo ‘to. O di kaya lamok Mmmmeeeemmiixx…
9. Meems
Same as #4 pero sa college. Yung #4 nung high school. Si Cocoh na lang tumatawag sa’kin nyan though. ^_^
10. Meemers
Ang bansag ni ever lovable pokemon Tinats. Usually kong naririnig (o nababasa sa YM) kung me kelangan o may atraso. (Joke lang! Naririnig ko rin to kapag humihindi sya sa mga aya ko dahil tinatamad. Peace!)
Yep. Aliw di ba? You should see the time my grade school friends and high school friends met me again. Maria! Kharisma! Wait… what?!
It’s that messed up.
———————
UPDATE! Nagdagdag ako ng #10 kase may nakalimutan nga ako. Tsk. Alam kong marami pang iba, alam ko me one time na Mamee ang tawag sakin pero mukhang very short lived din ata yun.
HOY na nga lang! LOL
mimi naman LOL pwede rin un a.. hahaha..
hoy di mo sinama yung meemers! *tampoooooo*
@katek at aleng: nakow buti nga dim magiging mameng. baka maging tradition sa TF hehehe.
@kilcher: ayun! sabi ko na nga ba may hindi ako naalala eh. oks, updating…
“tootsie” pala? di mo sinama or kasama lang dito yung pinaka most (ab)used?
@ridge oo nga no? Syempre di ko yun naalala. Kase naman, 1-2 years old pa ko nun nung tinatawag ako nun. Amph!