Isang Pag-uusap sa YKC
Sa kalagitnaan ng pag-uusap ng isang Maharlikan na grupo na pulos first-timers sa Japan.
Notes:
– Maharlikan. Mga Pinoy po. Mga Pinoy na sanay na may tabo lagi sa banyo. Sa Japan, walang tabo sa banyo. Hint hint!
– Sa YKC dorm, araw-araw may naglilinis ng kwarto at banyo. Pinapalitan ang sheets, tissues at mga baso.
B1: Blah blah, kwento kwento… buti naman at abot ung shower head dun sa inidoro.
G1: Yuck!!! Yung shower head ginagamit nyo panghugas ng pwet! Pinapangligo kaya yun! Yuck….
G2: Ey? Bakit? Eh abot naman. Paano ka ba naghuhugas ng pwet after magpupo?
G3: Oo nga! Alangan namang tissue lang.
G1: Yung baso
G4: Yung pang toothbrush?
B1, G2, G3: Mas lalong yuucckkk… Hahahahhaa!
G1: Di ko naman ginagamit no! Saka pinapalitan araw-araw.
B1: Isipin mo nalang ung sunod na gagamit.
Lahat: Hahahahahhaa!
Naalala ko lang. Kwento. Hehe! G1, peace! Masayang alaala lang po.
(Sa mga tao sa Japan, paano kayo naghuhugas ng pwet after magpupo?)
One response to “Isang Pag-uusap sa YKC”
(late reaction) Speaking of toothbrushes, saan sa tingin mo dapat ilagay ang toothbrush? Do consider na ito ay isang bagay na isinusubo mo on an extended time basis, araw araw.
(a) sa banyo, kung saan exposed sya sa “atmosphere” ng toilet at toilet cleaners
(b) sa kusina
Basta ako, andun sa kusina yung toothbrush ko. Wala lang, share.