Isip-bata Solution: Ang Mahiwagang Bolpen
I got into a dilemma this morning. Need to renew my passport at ung lint*k na renewal form needs my thumb marks na para bang kelangan nilang i-cross check kung criminal ba ako o hindi. Tinititigan ako nung dalawang blank boxes na merong “Left Thumb” at “Right Thumb” sa ilalim.
Ha!? Bakit? Tinginingining! Di ba to optional?!
Ayoko sanang umalis ngayon. Tinatamad. Inaantok. Di pa natutulog dahil baliktad na naman ang body clock. Ibibilin ko na lang sana sa may lakad talaga. Sadly, hindi sya optional. SSTTTAAAAMMMPPP PPPAAAAAADDD!!!
Hinaloghog na namin ang buong bahay. Bodega, mga tukador, WALA! Kung kelan naman kelangan, lilipat ng pwesto ung stamp pad. Who uses a stamp pad in this house anyway? Apparantly, wala. Kaya nga walang nakakaalala asan yun.
Okay, relax. Kelangan lang naman ng thumb mark di ba? Kaysa idiin ang hinalalaki sa tinta, ang tinta ang idiin natin sa hinlalaki. Makes sense? Go!
Kuha ng permanent marker, superfine point. Violet pa kamo para authentic. Kulayan ang daliri.. Idiin sa scratch paper…
WEH! Parang bilog lang ang nagmarka! Ang bilis natuyo. Wah! Next!
White board marker? TOINK! Ayaw! Pentel Pen? Almost pero kalahati lang… WaaahhhH!!!
Halos sumuko na ako. Give in na ako sa idea na pinapaalis ako. Byahe ng one hour dahil lang wala kaming stamp pad.
Then, flashback!
Naalala nyo ba nung panahon na mahiwaga pa ang ballpen (dahil hamak na lapis lang tayong mga chikiting)? Di ba? Nagdradrawing tayo ng star sa daliri, tapos ista-stamp natin sa papel ung drawing. Tadaa! Instant stars hanggang maubos tinta sa daliri. \(^o^)/
Yes! Dalidali akong naghanap ng ballpen. Kinulayan ko ang aking daliri… Press…
WOW! It worked! It actually works. Kung saan sumuko ang Pentel Pen, winner ang ballpen!
I cherish those instances talaga, na ung mga answers sa problems natin ay, something na nadiscover natin on our own nung bata pa tayo. Think of it. Not from parents, not from teachers. But in our very own adventurous isip-bata way.
I glued 2 fingers with super glue once (or more haha!). Baka someday maging useful din ung experience na yun. =)
5 responses to “Isip-bata Solution: Ang Mahiwagang Bolpen”
wahaha! i did that dati (mga 3 years ago siguro). sss nman, ipapapass ko lang sa iba kce d ako makapunta, wala rin akong makitang stamp pad kaya ballpen ang ginamit ko hehe…
im not alone pala hehehehe…
wahahaha! ang kulet!! bolpen!!
mcgyver nga!!
nice tip.. hehe