Pakawalan, este, hayaan

Ay syet! Syet na malagkit. At kung di sya malagkit, masyado ka mataas sa fiber at parang epot na ng rabbit ang syet mo.

Matagal ko nang trip na magkaroon ng ex-boyfriend series.

Hindi sa pinaparada ko ang aking mga biktimi, I mean, mga nagmahal sakin. Pero para mag let-go kase si sisteraka masyadong matindi ang memory ng puso. Amfufuness.

Let it go na nga. Me mga asawa na yun.

Wag gumawa ng chismis. Hindi sa mahal mo pa rin sila. Move on na ako, girlash. Pero naman, kelangan ko nang magpatawad. Magpatawad sa kanila at lalo na sa sarili.

DemoƱita rin kase ako. Lahat naman tayo may nagkakamali. Ako nga lang, matindi ang grunge sa sarili. Malupit at no forgiveness.

Kaya ng let it go na nga! Let it all go.

Pero para maglet-go, kelangan magprocess. At para magprocess, kelangan magsulat.

So sorry na lang sa mga ex ko na nagstastalk pa rin sa blog ko na walang update na ilang taon na. Maglet-go rin kayo.

Which brings us sa title, ano nga ba ang Tagalog ng let go? Pakawalan? Hayaan? Parang wala ano?

Ganesh talaga.

Sa mga chismosa o sa mga curious, iisa-isahin ko mga ex-bf, mga muntik na at kung anek-anek pa na kelangan pakawalan na parang ibong na may layang lumipad sa mga susunod na mga sulatin.

Malamang wala. Malamang wala rin makakabasa. Pero kerri lang, kase para sakin naman to. Charot!

Pwede ba Twitter? Wag kang magbroadcast! Nakers.

See you soon with nyor-nyor drama.

You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery