Maraming ring drama ang nangyari kamakailan lang (yes ang lalim). Siguro na rin kase masyado ring windang ang utak ni aketch kaya ang drama feeling ko ang laki.
Kase, yes po, aminado ako. Apektado ako.
Kaya para lang malinaw, sa iba ngunit lalong-lalo na sa self ko, linawin natin to.
Hindi kami, hindi ako ang dahilan kung bakit ka namin pinapaalis sa buhay namin. Ikaw mismo ang may kagagawan nyan.
I-reverse chronological order natin yan. Start tayo sa nagtrigger ng “lumayas ka rito!” (parang Vilma Santos)
You are a liar!
You lied. Nung nakiusap kang hiramin ung sasakyan, kerri lang pero sabi ko wag mong dalhin sa malayo (aka ung casino na 2 hours para magdrive). Sabi mo hindi, dyan lang sa friend mo sa South City.
Hindi sa nagdadamot kami. Pero bru, nagswitcharo kami ng insurance. By the mile na po kami. In short, more miles more bayad. Kahit malapit lang yan, kami magbabayad. Madamot ba na pinahiram pa rin namin kahit ganun ang sitwasyon?
Pero no, in my face, you lied. Kase po, as required po ng insurance, me tracker po ang SUV. Hindi ko lang alam kung san ka pupunta, malalaman ko bawat daan/liko na pinagdadaanan mo.
But wait, there’s more. Malalaman ko rin ang saktong minuto kung kelan nag-on at nag-off ang sasakyan.
Para lang I’ll be 2 steps behind you.
5 years na pinagsamahan. So sure, nagtiwala ako.
Umaga tumawag ako, ask ko ng where you? Sabi mo sa casino. Sabi ko, ang kotse? Sabi mo iniwan mo sa South City at nagcarpool ka sa friend mo.
Kerri.
Pero no ulit. Kase naglongdistance pa mula sa Europe ang husband dear. Sabi, pumunta ka ba ng Santa Rosa?
Huli ka! Mula Europe pa. May I look at the tracker si hubby.
Hindi ako ang nakahuli sayo. Asawa ko. At habang nasa phone asawa ko, deny ka pa rin. Rinig all the way back to Europe.
Dude, nasa phone ko pa ang call log kung kelan ka nasa casino at tumpak sya sa oras sa tracker.
Heto pa, hindi mo pinatay ang makina nung pinick-up mo ang mga friends mo sa South City. Pwede ko bang iassume na simula’t simula pa lang, plan mo na talaga dalhin sa casino.
Over the phone, may I decide na rin si Hubby, paalisin na yan. Agree rin ako. 2 months ka nang walang bayad rin sa upa. 2x mo rin ako binastos bilang landlady. 2x mo rin ako binastos bilang babae (na by the way, super stupid kase asawa ako ng landlord mo).
Wiz ko na emphasize kung anuano pa sila. Pero ung first time, muntik ka nang paalisin ng bahay January yata yun o February.
Huling panggagago lang to.
Bakit nga ba lumabas to sa blog ko ngayon?
Well, blog ko to eh. Therapy ko na rin to.
Kase ang kapal ng mukha na magpost ng “you know who you’re true friends are…” eh kung ikaw nga yung nagsinungaling at nanggamit ng iba? Sure renter ka, pero user ka. Wag mo na akong isali sure, pero sa asawa ko rin liar ka pa rin. Todo deny ng crime scene. Nagsorry ka ba?
Kups din ng mukha na isnabin ako sa sarili kong pamamahay.
Oo, apektado right?
Oh by the way, nung nasilipan mo ako, after na nung 30 day notice nalaman yun.
Malaking pagkakamali ko na pinotektahan kita hanggang ikaw na mismo ang nabisto. Dapat nung unang pambabastos pa lang, hinayaan ko nang palayasin ka.
My bad.. to myself.
Wag ka nang umasa maging reference kami sa paghanap mo ng next na uupahan.
Oh by the way, pasalamat ka rin sakin. Ang non-payment dapat 3 DAYS NOTICE lang para palayasin. Buti 30 days, mabait pa rin ako.
Goodbye!
PS. Kung friend nyo sya, tanungin nyo sarili nyo kung mutually beneficial ba ang friendship nyo?