Kalokang Social Media

image by pascalecommunications.com

image by pascalecommunications.com


Gets ko na nga. Ang New Year resolution ko ay maging kasing bonga ng sariling dati – nung ako ay younger, stronger at more beautiful-ler (me reklamo). Kahit magthi-33 na this year, babalik ko ang dati. Dating masayang masaya ako. Masaya rin naman ako ngayon kahit mas matanda na. Pero win na win kung ibabalik ko ang vonggaciousness ko noon WHILE maintaining a happy marriage happy home scenario. O di ba? Kaya ba ni Darna yun?! Hindi!

Pero teka *kamot ulo* ano namang kinalaman ng social media sa new year’s resolution na itech?

Weeelllll… kase, ganito yun. Nung ako’y isang prinsesa sa lupa ng sakang (Japan yun), blogger ako dati. Yes. Kakakalabas lang ng Twitter, Tumblr, at kung anek-anek pa. Dati kerri pa yun. Mangilan-ngilan lang ba ang social media? Kakapanganak pa nga lang ata ng konsepto di bash? Kaya eto, 2015, ibabalik ko ang bloggerness at social media-ness ko.

Pero wiz ako sa complications. Amfufu-fufu-fufu at isa pang amfufu! Parang bigla akong nahilo at nalunod this time. Meron nang Facebook for my fez and Instagram for my instant poses. On top of my Twitter and Tumblr, iisipin ko pa ang umeepal na Google+ at humehello na Ello.

Haaayz! Wala na nga akong Reddit at buti namatay na ang ibang pesteng social media tulad ng Haiku. Hindi ko na nga pinapatulan ng interes ang Pinterest.

Di ko sya kerri! Waaaah!

Baka naman I’m too old? Social Media is for youngsters ba? Oh no! *Hikbi*

Ibig sabihin ba hindi ko na makakamit ang pagiging vonggacious at 33? No more younger, stronger and more beautiful-ler me?

Hinayupak na social media oo.

Blog na lang tayo! Tagay!

You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery