Potpot. Isang barkadang walang keme kung sa sino, ano o saan ka man. Tunay na kainuman, matatag na sandalan, malambot na iyakan.
Bakit nga ba natin pinag-uusapan si Potpot? Kase feel ko. At kase he’s worth pag-usapan.
Kay Potpot, marami akong natutunan: pareho matino at malalamin na aral at mga kwelang kabalastugan.
Pero focus tayo sa matino, dahil may pinirmahan akong non-disclosure agreement. Baka raw maging comedy hit na pelikula yung mga kabalstugan.
1. Do not judge!
– Sure ka bang babae ka? Sa puri, sa salita at sa gawaing kama… I mean, sa gawa lang pala. Okeh! Lalaki? Okeh! In between, okeh pa rin. Type mo poste? O gusto mong kumain ng poste? Nagsisimba? Hindi? Mahaba hair? Walang hair?
Whatever pa yan. Mahal ka namin. O deserving kang mahalin. No judging. Basta di ka nanakit. Sabi ni sir, di mo alam san sila galing, at di nila alam san ka galing.
2. Game on lang but be yourself.
– Kesyo me baklush kang alter-ego o mas pretty ka pa sa mga tunay na babae, maging kampante sa sarili mo. Hindi mo kailangan ng approval ng iba para tanggapin mo sarili mo. Be flexible sa buhay, sa mga lakad, sa lahat. Pero always be yourself.
Sabi ni sir, Reyna (Juniper) or not, kilala ko sarili ko – maniyakis pa rin. (Huwat?)
3. Salita at gawa
– Si sir pagsabing magtitipid sya at noodles lang kakainin nya ng 6 months, gagawin nya. Walang peer pressure ang gigiba ng decision na yun. Ganun din si sir sa ibang bagay. Kakain, lalabas, maliligo – with power and conviction. “I will make a video in the shower coz I can!”
Marami pa of course. Tiyaga, samahan, damayan.
Mga bagay na alam ko na sa puso – na lalong pinatibay ng isang taong nirerespeto ko at minamahal.
Miss na kita Pot…
…
Oo alam kong buhay ka pa. Naisip lang kita bigla.
Meema!! I miss you na din!! Sobra!! Teka, ako bang potpot ang sinasabi mo? Alam ko bawal ang assuming, nagtatanong lang naman.. Hihihi!! Thank you my friend!! We’ll see each other again!!