Single Ako… sa Facebook

Okay. So pansin mo lang na parang wala ka ata sa Facebook ng iniirog mo? Ni-ha ni-ho? Wala. Proud pa sya, nagpalit raw sya ng cover photo o di kaya profile pic. Picture nyang naka “pogi” pose pa o jumpshot o picture ng kanyang minamahal na airgun.

Hindi kayo “in a relationship”, kahit man lang “it’s complicated” with you. Walang wall o timeline photos. Walang tag. Walang messages sa wall mo mula sa kanya.

Bale, online hindi kayo. He’s single, baby. Single na nakapogi pose na may airgun. Worse off kung may kotse pa na photo. Parang match.com profile lang, sumisigaw “check it out!”

O sya sya, baka imagination lang natin yung huli, I admit. Pero trulalu ba ang latest sa mga sinasabi ko?

Daan tayo sa checklist:
1. Pinag-usapan nyo bang maging “single” online?
Me mga partners lang talagang sadyang ayaw mag-announce sa FB kesyo it’s so cheesy o magagalit si Mader. Kung anuman yun, kung napag-usapan, good. Basta ba hindi ka lang napapayag o nauto.
2. Inaalikabok ba ang FB nya?
Kung single pa sya sa FB eh dahil nung huli syang nag-update eh nung single pa sya, you’re good!
3. FB lurker lang ba sya?
Me mga tao lang talagang nagkaroon ng FB para mang-istalk ng ex este family. Makita ang mga kodak moments ng pamangkin o kung anek-anek pa dyan? If this is true, then good. If this is too true (stalker sya ng madla), iba problema nya darling. Magpatherapy na kayo.
4. Malihim ba sya?
Talo pa nya si Michael Jackson sa pagiging secretive nung pinapasyal nya mga anak nya nang me takip sa mukha. Mukhang ang mga updates lang ata ni boylet eh mga munimuning talo pa si Socrates sa lalim.

If all of the above is NO, pwes you are the lucky winner of a boyfriend na… nagfefeeling single.

So what does this mean to you? Well, it’s the-fence (depends lol).

The fence # 1
You’re just having fun.

Ayos, kerri! First of all I salute you for knowing what you want. Deadma na kung nasa FB o wala. Pero careful nalang Inday kung yung FB nya eh puro ikaw. Wag mag-iwan ng trail of broken hearts, no no no!

The fence # 2
You’re making tago rin.

So true naman girl. What you give is what you get! Imbento ko yan, patented by the Department of Agriculture.

The fence # 3
Life and death

Kung me ex sya na uber selosa, stalker at laging me bitbit na walastik o balisong, follow the leader! Wag ka lang sa FB magtago, magtago ka na rin sa ibang bansa. Then again dapat napag-usapan nyo na to.

The fence # 4
Deadma

Wiz mo pala care, wiz ka nang maistressed. Enjoy life!

The fence # 5
Wala nang fence.

Eto na ang problema. Problemang malupit.

Kung ikaw naman e proud na proud sa iyong mahal pero sya eh wala man lang sambit tungkol sayo, mahirap talaga.

Kung serious-cherios na kayo, me wedding bells planning galore o di kaya me blingbling ka na sa finger mo, malala na yan mader!

Feel mo bang parang kerida? Sikretong oh-kay-tamis?

Banggitin mo man, paano mo mapapalabas na hindi ka mababaw. FB lang naman yan. Di ba? It’s so hard.

Sa mga taong tulad natin, importanteng malaman natin na hindi ka ikinahihiya at napapasaya mo sya. Enough… na ipagsisigawan ka nya at ipagtatanggol ka nya. Pareho sa mga importanteng tao at sa hindi-importanteng tao. Lalo na kung me history kayong ganyan.

Mababaw nga ba? Mababaw nga ba na hinging wag ihiwalay ang buhay online sa buhay nyo? Mag-iisang dibdib kahit saan man. Sa hirap at ginhawa. Sa pagdiriwang at paghuhusga. Kasama nyo man o kalaban ang mundo.

Yep, iba na nga ang mga problema ngayon. Pero ganun talaga. Parang ” ba’t wala ako sa mga pictures mo sa bahay?” o “ba’t hindi mo ako binabanggit sa friends mo?” lang yan pero high-tech.

Me kakampi ka bru! Di ka nag-iisa. Hindi ito mababaw. Me pinaghugutan yan. Me pinagmulan. Me problema si boy. Issues issues. Issue na kelangan ayusin.

(Pero please lang wag bungangaan to death o ihack ang fezbuk nya. Me class naman tayo. Alamin mo kung bakit. Malay mo me killer-ex nga sya. O baka on-the-fence sya sister… example, lalaki pala type. Ahahay!)

That’s a whole different 2am blog.

O sya, hanggang sa muling pagdradrama.

(On an unrelated note, that’s during my bangs days. Fun times but hard to maintain.)

You can leave a response, or trackback from your own site.

2 Responses to “Single Ako… sa Facebook”

  1. Alaine says:

    Reminds me of someone in the past hahaha *insert maalaala mo kaya theme song* :p

  2. meemax says:

    Ayown! Ahihihi! Wala, makakarma rin yun!

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery