Sumusuko

Yes, suko na ako. Hindi na. Ayoko na, sister! Kalurki.

I’m giving up blogging and photography.

Ironic na binoblog ko ang pagigiveup ang blogging. Labo no?

Pero yun nga, dahil napakabigat nang dalhin ang isang hilig na hindi ko naman matuonan ng pansin. Kaya di na ako gugulgol ng salapi, oras at pagmamahal. Out the door na sila. Para di na ako makonsensya pa.

Pero di ibig sabihin di ko maeenjoy ang mga nandito na. Andito na ang kaligutpay, ang eigo-de-blog ko at marami pang iba. Ang mga pictures na nakuha ko na, ang mga cameras na nabili ko na.

Gagamitin pa rin. Pero di na ako magaambisyong bumili pa o magplanong gumawa pa ng bagong blog. Tama na ito.

Iaalay ko nalang sa mga taong mahal ko ang aking oras. At mga miniprojects para sa mga taong mahal rin ako.

Kaya eto na po. Adios! Ika nga ng Potpot, haylabyuol!

Bibisita pa rin ako. Magsusulat kung sakali. Malay natin di ba? Baka bumalik ulit ako. Pero kung babalik man ako, sisiguraduhin ko nang kaya kong panindigan.

You can leave a response, or trackback from your own site.

One Response to “Sumusuko”

  1. JS Bach says:

    Hi Meemax. Nakakalungkot naman. 🙁 Thanks pala sa pagbigay ng career advice via e-mail (kung naalala mo pa). Laki tulong.

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery