Wanted: Gayuma Recipe

Excuse nalang dun sa pagrarant ko last week. Hehehe, blog ko naman po. Pero ganun lang talaga. Minsan ang buhay, nakakainis at nakakaburaot. Parang batang mapuna at walang preno, bigla ka nalang sasabihang “Ang pangit mo.” Sarap tirisin di ba?

Kaya nga kaligutpay. Kaligutgut ug kalipay. Ganyan nga. Buhay o buhay.

Updates:

  1. Single. Di sya update pero update lang din na single pa rin ang bruhaha! And unlike sa post ko dito, ready to mingle na, ready to jingle pa. (hanuraw?)
  2. Natapos na rin ang mga courses. Yan eh kung hindi ko binagsak yung last. Meron pa akong 2 week thingy sa August pero kerri lang yun. Parang mahabang pahinga lang yun. Master holder na ako sa December. Hope-ful-ly.
  3. Nasa isang financial company na ako, pero mukhang ayaw pa akong iabsorb. Lilipat na naman ba ako. Kelangan ko ng working visa eh. Haaaaayyzzzz…
  4. Ex #1 (out of N at bat ko aaminin) eh kinasal. So sad lang I would have wanted us to be friends. Mukhang sinumpa nya na ako sa bowels of the earth pero I still wish him all the happiness na hindi ko naibigay sa kanya.
  5. Ex #2 (na tawagin nating Evil Ex) eh kinasal rin. Ang masaklap pa nun eh sa birthday ko pa talaga sa lahat ng araw sa taong ito. Leap year pa naman. Me extra pa syang araw na pwedeng pagpilian. Wala pa kaming isang taon naghiwalay. Amfufu! Naiinis lang ako na pati birthday ko pinakialaman. Maalala ko pa sya tuloy ang Evil Ex sa araw ng kabuhayan ko. Amph!
  6. Yes, karugtong ng #1 at #4 at #5. Blessing na rin dahil sa nakapagmove on na sila, there’s nothing holding me back. Mingling jingling rock. I’m so ready to move on kase…
  7. Me prospect. Prospect na kay tamis. Ang tanong. Prospect nya rin ba ako? So saklap.
  8. I got into a car accident dahil me mga taong bobo at tumitingin sa kanilang smart phone habang nagcrocross ng intersection. Tinginingining bobo talaga. Grrrr. Ang smart phone eh hindi para sa mga taong bobo. (Disclaimer: pasahero ako)
  9. Nagplaplanong magworld tour next year (di naman world pero di naman masamang mangarap)

Things to look forward to. Things to plan. Hang dami kong gustong gawin this year. Sana mangyari. Kelangan ko support nyo mga kapatid!

O sya iuupdate ko nalang kayo ulit. Sa uulitin. 🙂

PS. Me nakakaalam ba sa inyo ng recipe ng gayuma para kay #7. Para naman masaya ang pasko ng inyong lingkod.

You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery