Tama ba naman na sa loob ng dalawang linggo malalaman ko na ang last 2 ex-bf’s ko eh married na! Married ah. Di engaged. Nung nalaman ko, taling-tali pa kaysa sa kambing na kakatayin.
Di rin nakatulong na sa swak sa gitna ng dalawang linggong yun, ey 30th birthday ko lang naman. Di na ako pinagbigyan di ba? Talagang di na ako pinagbigyan. Pangbirthday gift man lang no!
Di ako bitter. At to be honest, masaya ako para dun sa isa. Dahil nasaktan ko lang naman sya, at masaya akong nakakita sya ng magpapaligaya sa kanya at mabibigyan sya ng higit pa sa mabibigay ko.
Dalawa di ba? Yung isa, wag na. Mamamatay na lang sana sya. Wehehehe. Bitterness ba? No. Mahabang kwento.
So bat nga ba ako nagbloblog bigla kung di ako bitter?
Eto kase. Si Ex#1, tatlong taon rin kaming magkasama. At nung huling taon naming magkasama, nagpaparinig na ako. Uu. Di naman sa super pressure, pero naghint lang ako na kahit civil lang, o simpleng kasal lang tapos mamaya na yung bonggacious gay-parade na wedding (with purple wedding dress and kuma-cartwheel na bridesmaid).
Pero wah eh. Okeh. Me mga lalaki talagang ganun. Kesyo gusto nya magandang wedding para sa mga magulang namin (sa mamaya nga yung bonggang wedding).
Di pa kami 2 years hiwalay, kasal na sya. Di naman sa nijujudge ko sya. I believe naman talaga na paggusto na ng guy ang girl, di na nya pakakawalan di ba?
Pero naman! Ano naman kinalabasan ni akez? 3 years kami pero wala. Di ba talaga umabot sa point na ayaw nya na akong pakawalan.
Bitter ako. Pero hindi sa sense na nauna sya o madali nya akong napalitan. Magmomove-on talaga ang tao, at gusto ko yun para sa kanya. Nag-aampalaya lang ako kase walang nagkakadarapang pakasalan ako. Sarap ng feeling di ba? Simula pa lang alam nyang ikaw na.
At 30 na ako. Tumatanda na.
Ampalaya mode. Nyor nyor nyor nyor…