Pangungulila

di mo ba ako namimiss?

hindi ka ba nananabik?
makita, masilayan man lang
mahaplos ng iyong palad ang likod ng aking kamay
maramdaman ang kinis at lambot na tila bumubuo ng kakulangan sa pagitan ng iyong mga daliri

hindi mo ba hinahanap?
ang sarap ng pakiramdam kapag ako’y nakalapat sa iyong balikat
ang pakiramdam nang nakadapo ang aking braso sa iyong tiyan
marinig ang paghinga, madama ang pagtaas-baba ng aking dibdib parang sumasabay sa iyong dibdib

paano mo ba natitiis?
ang kirot at balisa dahil sa malayo ako
ang puwang sa dibdib sa tuwing ako’y hindi mo mahagilap
na sa paglingon mo ay wala ako, ang pananaing at himutok sa pagnanais na sana kasama mo ako

di mo ba ako namimiss?
kase ako… namimiss kita.

You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery