Sa pagpasok ng bagong taon, kailangan nating lumingon at alalahanin ang pagiging keso-de-bola. New year, new love! Magpraktis na tayo ng mga pick-up lines upang makabingwit tayo ng Mr. Right. O kahit Mr. Right-Now muna, pangtawid-gutom lang. Ahihi!
- Paano mo makikita ung para sa’yo? Kung hindi ako ung tinitingnan mo.
- Pangarap ko? Yung makasama kang sumakay ng jeep, at sabihin ko sa driver, “Manong bayad po, dalawang senior citizen.“
- Pag umupo ba ako sa tabi mo tapos may umupo sa gitna natin , ibig sabihin ba noon ay may namamagitan sa atin?
- Ako na yung BOBO na nakilala mo, ang BOBOo sa bawat araw mo.
- WANTED KATULONG , katulong kong mamumuhay habangbuhay.
- Wag samantalahin ang kahinaan ng isang tao… lalo na at alam mo na ikaw ang kahinaan niya.
- Miss ang ingay mo a. Pag di ka pa nanahimik tatakpan ko na yang bibig mo… ng labi ko.
- Kung feeling mo binabasura ka niya, wag kang mag-alala… i-rerecycle kita.
- Ang tao, kini-kidnap. Ang aso, dino-dognap. Ang kotse, kina-carnap. Ikaw naman hina-hanap.
- Dahil sa ibinuhos ko ang pagmamahal ko sa kanya, hindi ko namalayang nalulunod na pala sya, at nagpasagip sa iba.
- “If you fall , I’ll be there.” –SAHIG
- Pilipinas ka b sa panatang makabayan ? Iniibig kasi kita.
Panalo si #9. Wala, bumenta talaga sa’kin eh.
Gusto nyo ng ka-date? Hagilapin lang ako sa San Francisco. Isulat ang inyong pangalan, tirahan at phone number at ilakip sa isang envelope. Sabay sabihin ang pick-up line #9. Tatlong bente-singko lang at inyo na ako.
Malay nyo, baka ikaw rin ang hinahanap ko. 😉
hahaha adik lang!
bigyan mo daw sila pamasahe uy
panalo si #9!