Tulala.
Nakatitig sa kawalan.
At di ko lubos maisip kung bakit di ako makagawa ng mga dapat gawin.
Siguro nga, dahil hindi na rin makapag-isip.
Ewan ko ba kung bakit ako tuliro.
Tunganga.
Nakatingin ngunit walang nakikita.
Hindi ko mawari ang pagkawalang-gana.
Subalit, hinala ko…
Friday na kase.
—
Tingin ko people round the world ganito ang nararamdaman kapag Friday. Kung hindi tulala, balisa. At kung nasa New Zealand ka, lasing ka na ngayon (3pm sila lumalabas ng opis sa Friday). Tulala man ako pero magulo ang isip ko ngayon sa kung anong dapat kong gawin.
Choices:
- Pinoy film marathon – starting with Zombadings!
- Karaoke
- Sherlock Holmes
- Lasingan – di mawawala. Pero kelangan ko munang pumreno dito. Mukhang di nakakayanin ng sistema.
- All of the above. Multitasking.
Nagtatalo ang pagiging tamad dahil weekend na at pagwawala kase nga weekend na.
Ano ba talaga? Help me naman o?