Un-favorite

Ayan na. Pipindutin ko na.

Sa imo.im, merong kang pwedeng i-click para maging favorite ang isang tao. Favorite, tipong sya ang lagi mong kachika sa pang-araw-araw na gamit mo ang imo.im. Kesa naman maghalughug ka pa at mapudpud ang scroll button ng mouse mo, ayan na sya sa may itaas ng listahan mo ng milyon-milyong fans friends. Read-ing ready at iniintay lang ang iyong matamis na pagclick upang masimulan na ang inyong kaiga-igayang pagsasamahan kahit sa chat man lang.

Pero kung gaano kadaling maging favorite ang isang tao, gayun din syang kadali ma-unfavorite. Ika nga niya, “Tapos na ang maliligayang araw.” Wiz na. Warlalu. Galit-galitan muna.

Wala nang nag-aautosend ng Good Morning nang mga 9:30am (o minsan 10:45am dahil gusto lang mang-inggit nung kumag na pwede syang magsleep-in. Amph!).
Wala nang mang-inggit ng 2 hour lunch breaks.
Wala nang ring automatic na pamamaalam tuwing alas-5.
Kasama na ring nawala yung inuunahan ko na syang palayasin ng mga 4:57pm kase nabwibwisit ako sa ikli ng araw nya.

(Di ka ba naman mainis di ba? Pasok 11, uwi 5 tapos me 2 hour lunch break. Amfufu!)

Muscle-memory na tunay. Default auto-click sa kung meron bagong kahibangang sumasagi sa brain cells. Memoryado ng mouse-clicking arm. Wala nang sulyap. Window nya agad ang magpo-pop. Oha!

Nawala na yung leading (#1 in America!) receiver ko ng tsismis, mundane updates at kung anuanong hinanaing na biglang lumilitaw sa kokote kong sleep-deprived. Random usapan, mga Q&A, sa hirap ng mga tasks, sa ginhawa ng boredom, sa sakit man ng hangover o kalusugan ng mga lakad. Magsasama sa chat ayon sa sagradong utos ng IMO. (Amen?)

Sorry na lang sa bagong salta dun sa space nung favorite ko. Maramiraming mis-sent ang matatanggap mo.

Wish ko lang, mau-unfavorite kita sa buhay ko. Kaso, walang UNDO sa paghulog ng loob. Walang Ctrl-Z (or command-z for Mac users) sa pag-ibig. Tiis. Pagdurusa. Ganun talaga.

Kung kelan naman masasanay ka, me habit ka na, bigla na lang tong huhugutin ng tandaha. Nakakabitin! (hanuraw?) Nawindang ka ngayon.

Kaya eto. Pipindutin ko na. Aasa na lang ako na makabalik sa dati nung di pa kita favorite. At iisnabin ko nalang ang muscle-memory na nagsasabing namimiss kita.

LSS of the day:

Just a shot in the dark that you just might
Be the one I’ve been waiting for my whole life

– Just a Kiss by Lady Antebellum

You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery