Isatabi

Tama na. Tigilan na ang pagtingin ng picture profile nya sa YM. I get it. Namimiss mo sya. At kahit di naman kagwapuhan eh napapabugtong hininga ka pa rin. Naalala mo ang init ng yakap, ang amoy ng kanyang pisngi at kung papaano sya kumasya sa iyong mga bisig. Ibibigay mo ang lahat upang maulit ang mayapos sya mula sa likod, at hihigpitan habang ilalapat mo ang iyong noo sa malapad nyang likuran.

Hinga lang.

Ang tanong. Ganyan din ba sya sayo? Tinitignan din ba nya ang picture mo? Me picture ka ba sa kanya? Me mga maliliit ba na bagay na naalala nya sayo? Ang init ng iyong yakap? Ang amoy ng iyong pisngi? At kung papaano ka magkasya sa kanyang mga bisig?

Naiisip ka rin ba nya?

Hinga ulit.

Itabi na ang litrato. Gets ko. Namimiss mo sya.

Kaya, tama na.

You can leave a response, or trackback from your own site.

2 Responses to “Isatabi”

  1. rk says:

    namimiss ka rin nya for sure.

    • meemax says:

      Wish ko lang. Pero wala eh. 2nd (o baka nga 3rd, 4th) lang ako sa priority. O well, mukhang pagiging sawi na talaga ang kapalaran ko. Hirap talaga kase natuto ako ulit magtiwala, tapos mawawarak lang.

      By the way, Rurouni Kenshin, salamat sa pagbisita ng site. 🙂

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery