Bara

Last last week, akala ko na mamamatay ako.

Me nadama akong solid mass sa left side ng bladder ko last last week. Di na ako napupo madalas pero di ko napansin yun. Tsaka palang nagpanic ang beauty nung sumakit na pati left side ng tiyan ko.

Waaaah! Tumor ito o cancer!

Nagflashback at inaalala ko lahat ng cyst/tumor/cancer history ng family ko. Oh noes… me history ako.

Marami ka ring maiisip pag akala mo mamamatay ka na.

Tinago ko to sa roommate ko hanggang last minute dahil wa naman point na mag-alala pa. Bumaba ang aking gastadora factor dahil nga dapat pala handa kung may mangyari at ayoko namang mabaon sa utang ang families di ba? At lalo na akong kumakain ng gulay.

Pero ayon masakit pa rin.

Pinatingin ko ang solid mass.

Ang findings?

Tumigas na jebs na nagbara sa rectum ko!

Syet akala ko pa naman ano na? Malignant nga. Malignant jebs.

Syempre at dahil nagbara, lumaki sya ng lumaki at pati intestines sa gilid ko bumabara na rin kaya sumasakit.

Amfufuness!

Nagsimula raw to one month ago nung nag-Indian party ako at kumain ako ng sobrang anghang na pagkain na hindi naman ako sanay.

So ayun. Malignant curry poop. Yan po ang findings.

Binigyan ako ng herbs ng doctor at lalabas na raw yun kinabukasan. Jusme! Parang self-induced diarrhea. Kelangan kong pumunta ng kobeta kada 30-minutes. Anubuzz!

Pero eto na ako ngayon. Happy, healthy and bara-free. Wala na ang bara na nararamdaman ko dati. Ayos na ako.

Wag ismulin. Buti naagapan. Try nyo rin ramadamin. Kung meron man, dapat ipatingin agad.

Sa masaganang pagjejebs sa inyong lahat!

You can leave a response, or trackback from your own site.

6 Responses to “Bara”

  1. potsquared says:

    ayan.. kain ng kain… tumigas na jebs.. eewwwwww… ayy meems.. hinahanap ko yung email na sinasabi mo di ko makita.. huhuhuhu

    • meemax says:

      Sinend ko sa gmail mo na nagsisimula sa letter P. Mali pala yun ahahaha. Send ko sa email na ginamit mo sa pagcomment. Pero in case, nilagay ko rin sa ASK ng tumblr mo. 😛

      Salamat sobra! Hihihihi!

  2. kate says:

    meh. “ampupuness!” hahaha!

    meems hirap basahin ng comments… dark gray sya

  3. totomai says:

    para kay winnie ba ang post na to.

    naman meema, haha. dilat na dilat na mata ko di ko mabasa ang comments haha

  4. ridge says:

    hehehe! yan ang iniiwasan ko dito sa SG….daming maaanghang na food dito…matay na lang basig masunog lubot nko if mag-LBM sad afterwards…hehehe!;))

    ingat ka naman…dumadami sakit mo ah…

    alin kya mas worse, dumadami sakit o fats?hehehehe!:))

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery