Hindi ko sadya. Nihindi man lang sumagi sa isip ko na pumatol sa kanya. Nag-roroll-eyes na nga lang ako kapag nakakasite ako ng kalaking gastos ng friends ko dahil sa mga tulad nya. Bilmoko kase yan!
Pero my golly. Di rin ako nakaescape. Accidentally. Accidentally akong na-inlove. (Yup, kanta yan bru! Magtotorrent ka na mamaya ano?)
Like I said, wiz kong balak. Wiz kong plano. Wiz ko talagang feel dati ang mag-photography!
Sa kung sabi nga nila ng mga friends ko doon, ngayon halos every weekend na ako lumalabas (kase summer, Cebuana comes alive itech kapag umiinit) para magsyut at magsyut kahit di naman ma-isyut!
Di mo maiisip na ni-roroll-eyes ko lang yan. Di lang eyes. Pati na rin ulo, gumugulong. I find it so cliche kase. Dami nang nagpipicture, makikiuso pa ba ang beauty ko?
Accidentally talaga.
Love story na nagsimula nung nag-Beijing ako with the bestfriend. Me extra Canon Powershot S1 kase yung isang friend namin. So why not peanut? Magpipicture ka na rin lang ng China eh di magandang camera na. (Vain lang no?)
May I borrow naman si Atashi dahil me new naman silang Nikon D80 DSLR at Canon Powershot S3. Inisip ko hindi naman din photography ang gagawin ko. Vanity shots here at pakyut jump shots there with the Wall of China sa background. I love it!
Accidentally…
Na hindi na ako sumasama sa pictures ng mga pinipikturan. Weytaminit. Akala ko ba vanity shots? O well andyan naman si Bestfriend para kunan ang mukha ko. Nagsimula na akong not-to-care.
Wall of China. Summer palace. Forbidden city. I syut and syut. Umabot na ako ng 500-600 shots per day. (Partida 1st time kong humawak ng bridge camera, yung powerful Point&Shoot) Ang saya namin ni Bestfriend. Kahit minsan halos bugbugin na nya ako dahil sa bagal sa kakasyut.
Di ko namalayan. Di ko sinadya. I fell in love. I syut and syut. I did not let go. I love to syut na pala. Pero I still did not know.
Accidentally.
Japan. Nang sinauli ko na ang S1 camera sa may-ari. Kahit 4 years old na ata yung malabugbugin camera (me crack na nga at mga yupi pero vongga pa rin kumuha), parang nalungkot ako nung hindi ko na sya hawak.
Buong araw the next day akong nagtimpi. Nagcontemplate kung bakit. Bakit ako di mapakali. Lalo na, nung I saw: ang gaganda ng mga alaalang iniwan sa’kin ni S1. The colors. The sharpness. At ang ganda ko ‘Day sa pictures!
Amfufu! I love you na!
Kaya ayun, dahil mahal ko na sya. Gumasta ako. Gumastos ako agad nung kinagabihan na ‘yun!
Bumili ako ng Canon Powershot S5. Pinangalan kong Impulse. (Halata bang impulsive buying kase?)
Accidentally in love.
Di tulad siguro ng karamihan na natuwa sa SLR at gusto nang magphotography, di talaga ako naenganyo. Magastos kase. Pero eto nga, kabig ng dibdib. Wala din akong laban. Mahal ko na eh. At alam mo naman ang mga nagagawa mo para sa iyong minamahal.
Ob kors, nagpromise naman akong di ako aabot sa level ng SLR. Huh! Pang-Point&Shoot lang ako. Ang mahal ng SLR.
Well… Akala ko lang yun. Accidentally. Accidentally ring nangyari. (Sa ibang blog ko na ikwekwento.)
Heto. Kunting silip sa anong nangyari sa photography ko nowadays.
(Now I can’t get that friggin’ song outta my head. Amph!)
OO, kung may theme song pa yang nararamdaman mo…pwede na siguro yung “Adik sa ‘Yo” ng rivermaya! nakakaadik yang hobby na yan!!! as in nangiisnab nga ng gwapong mga lalake ang mga babaeng nahihilig dyan!!!hehehe!;))
naiblog nga talaga!! ahahahaha nice one meema!!
naks.. called to be.. haha.. LOL congrats on your 2 years 😛
happy anniv meems. destiny mo yan. maging photog. pero fate mo maging model lol
My golly. 2 years na pala ang love affair na itech. Sana lifetime na. Magpropropose na ako sa photography once makabili na ako ng FX camera at Canon L lens. Muhahahaha!
file ka na divorce. lipat ka daw sa isa haha kay nikon
Ang ganda!!! Gwapa jamo ang hanabi, Dai! AYLABIT!!! =D
Ipagpatuloy mo yan Meems…para may photographer na din ako *someday*. Big discount ha?! Or libre ba. hehe =D Tapos dapat maganda din mag-PhotoShop para lalong gaganda ako sa pictures. LOL =D
@totomai belat!
@Jan wahahah. hoy! pagsyut pud uy. naghilak na imong d60. ahahahaha.
Ay napaka-heartwarming na story naman nito. 🙂