Uu. Walang pagkakamali sa title. Yan talaga yan. Boob pops.
Tungkol saan ba kamo ang Boob pops. Mali! Hindi sya pagbagsak ng boobs no! Ano ba ako? Ruffa Gutierrez na tig-iisang kilo ang bawat boob?! (Hanapin nyo yan. Trivia yan. Ahahaha)
Hindi rin sya candy na hugis boobs. (Kung meron man pabili!)
Magegets nyo rin. Ikwekwento ko sa inyo.
Boob pop #1
Eto naman kase ako si Fashionista Impunida. Nagtutube-tube. College na ako ah. 3 year. Dapat mature na ang beauty.
Pero no! Isang gala with the boyfriend and his boy pals under the new tulay at Mactan, napag-isipan kong makipaghabulan with the boy brother (haller alangan namang boy sister).
Ano pa bang pwedeng mangyari?
Yun. Syempre hulog ang tube at strapless bra. Ewan ko ilang segundo na silang nagtatalbogtalbog nang burlesk. Wala namang nagwarning. Hewan ko vah! Siguro shuck rin lahat ng boy population! Nandun naman yung bestfriend ko with her friends pero siguro di nila nakita.
Henihoo. Yan yun. Boob pop. Gets nyo na? Pagbagsak ng damit at nag-pop ang mga boobs. Kelangan pa bang imemorize yan?
Boob pop #2
Graduate na ang bru. With the matching two-piece nagswimming kaming magkakasama sa opis sa isang Christmas outing sa Plantation Bay. (Bongacious di ba?)
Eto naman si hindi sanay magswimming eh, di marunong magtali ng top ng bikini.
Nagetching nyo na!
Lublob at ahon. Nakarinig na lang ako ng sigaw, “Meema!” and there they are. Proud as the moon above the sky. Dalawa nga lang sila, at imbes na crater eh mini-mountains (utong, anubeh. di nyo nagets).
Hindi ata feel sumabay ng ahon ang bikini top ko.
Male witnesses: isang baby ng group (kaya wala akong nafeel na malisya), isang blockmate-officemate na walang contacts (buti na lang), isang napatalikod kaya raw walang nakita (hewan ko lang) at isang *ehem* mahilig (I know nagkwekwento sya).
My gulay! Sa sobrang hiya ko eh naawa pa ata sila (the boys ha) me pa, “maganda naman hugis Meems. Nothing to be ashamed of.” Amfufu.
Legendary na sya. Binansagan na yung event as “ang pamimigay ni Meema ng Christmas bonus.” San ka pa!
Boob pop #3
Sa Japan itech.
Tumatanda na raw kase ako kaya mas demure na ang boobs ko ngayon.
Nagswiswimming kami sa Chiba with a bikini (oo di na ako natuto) na pinahiram ni Jan (actually made to wear na may threat at sabay bantay pa sa banyo habang umiiyak ako sa hiya at may pighati sa puso, charing).
Pero natuto ako syempre. Pang-navy ata yung knot ko sa bikini top. *Ahem* Pero hindi! Hindi ako pinatakas ng tadhana.
Sa lakas ng alon, ang telang pangtakip ng utong eh umuurong sa string! Amfufu! Sumisilip! Di na sila popping ngayon, silip nalang. May gulay.
Ayun. Kaya kadaahon from the waters, hawak ko ang aking daigdig, este ang mga tela.
Di ba? Di na ako tinatantanan. Once is an accident, twice coincidence. Pero three times?! Meron atang may galit sakin sa itaas, o may multong manyakis somewhere. Hindi ko choice maging exhibitionist no.
Pag may #4 pa, magpapatawas na talaga ako. Grrr…
aba.. be proud at meron ka.. yung iba nga kahit ipakita walang makikita eh… syet.. parang ako.. kahit naka t-shirt.. baktong… oh my gulay…
Oo nga Pot. Ikaw nga eh meron din at pilit nagpapakita ahahaha. Ayaw magpatakip ng t-shirt. =D
HAHAHAHAHA =D Naalala ko yung Boob pop #3. hehehe =D Ang lakas naman kasi ng alon! At tayong tatlo ni Gina parang mga bata naglalaro sa tubig. Ako lang naman ata ang nakakita? Buti nakita ko agad…diretso warning sabay takip. hehe =D
In fairness, sexy ka sa bikini ko ha! Pinaka-maliit na bikini top ko yun. haha =D
Di ata kasya sayo yun Jan kaya pinahiram mo sakin. Ahehehe. Gusto ko ng gay-parade bikini. Waaaahhh! Kelan kayo swimming? Sama ako 😀
AHA!!now i know bat di ka nag bikini nung beach! HAHAHAHA!
Uu. Mas maraming boys kase ngayon at puro may camera. Yabai! T_T
teka lang, nakita ko naman si ‘amfufu’ 😀
dapat mag under shirt ka din meems para di muna halata kunwari haha gaya nung sabi mo sa amin hehehe.
pag may part 4, nasa TF na yun haha 😀
Namimiss nyo na ako sa plurk ano? Wahahaha.
Kaya nga di ako nagbikini eh. Daming boys at puro may camera.
hahahaha.. oo nga.. pahingi na lang ng konti..baka d lang kinaya ng size ng bikini mo LOL
Maling bikini lang ata pinili ko. Ahehehe.
Haha! Panalo ang number 2!
Oo panalo talaga. At least di masyado nakakahiya. Yung first sobra, bata pa kase.