Not once but twice na akong tinawag para mag-substi sa mga pro models na minsanay hindi available.
At bago nyo mafeel ang hangin, hindi ako naghahangin (is-slayt lang). Ako lang ang pinakaconvenient na babaeng matatawagan para magpose to the left at to the right. The keyword is convenient. (Ahehe. Haller? Ako? Model? Height nga!)
Kaya eto na naman kahapon nung tinawagan ako habang mamutamuta pa ako at di pa nagsisipilyo, masaya akong naghihiwa ng ampalaya para sana sa almusal (sa tanghali).
“Meema punta ka rito! As in now na! Now!”
Gaaaaah!
Ang gist, I stuffed around 1/5 of my cabinet into a bag and dragged my gorgeous friend Jan (dahil magmemeet dapat kami) to the photoshoot.
Ayos di ba? Pero kwento ko na lang in detail sa susunod yung mga pangyayari. Ang masaya lang sa panadaliang living in a fantasy (namantasya naman ata tayong lahat maging model), dami kong natutunan. Mala soul searching ang dating.
1. Nakakaputi ng kilikili ang flash.
– Ang sayasaya ko at kaya kong magmala-darna dahil me flash naman! Problema mo lang eh kung parang imburnal sa itim na kahit headlights na ang itutuk eh wala na talaga syang pag-asa.
2. Make-up is everything.
– Nagmukha akong Summer Glau once at meron namang humaba ang aking mukha. Ang nagpapaganda at nagpapapangit ay ang make-up. Kaya kung mukha kang pangit, sisihin mo make-up artist. Ako, swerte ako sa make-up artist ahehe. Go Akemi!
3. Nakakangalay magpose.
– Meron 15 to 20 minutes kang maghahawak ng pose dahil… limang photographers ang nakapila sa posing na yun at gusto kang picturan. Kaya tiis na lang kayo my dears at smile o emote. Kahit isang paa lang ang pinang-aapak mo at ang isang paa ay nakataas sa dingding. Mag-ala spiderman na lang kayo at ikapit ang paa sa wall. But don’t forget to smile.
4. Natural ang aking botox.
– Yehes. Natutunan ko na ang aking mukha ay naturally botoxed. Bakit? Kase di ako makaemote. Iisa lang ata yung hitsura ng mukha ko, at buti na lang it works well. Pero iisa lang mukha ko talaga sa mga pictures. Look angry. Look sultry. Look this way. Naku! Iisa lang output nyan.
5. Smile harder nga!
– Napakapangit ng smile ko. O sige, hindi ako bungi. Pero ako na ata ang pinakapangit ang ngiti sa mga ordinaryo ang ngiti. Baka nga dahil me botox na mukha ko. I am so inggit with Jan coz ang galing nya kahit first time lang.
6. Cleavage cleavage cleavage.
– Although not necessary, it is definitely a plus. ‘Nuf said.
So ano? Career move na ba itech?! Hindi! Gustuhin ko man. Wala talaga. It does not love me. Huhu!
Kaya stick na lang ako sa pagiging convenient model. One call away habang naghihiwa ng gulay.
“Hello? Yah sure. I’m available.”
This is me. Dreaming on…
oi di ka convenient model ah… special model ka nga eh.. si jan parang naging plus kasi nga magkikita kayo nung araw na yun.. salamat uli at napaunlakan nyo kami!! labyah meems!
Ano ba. Hehehe. Di naman ako nagdradrama pero salamat din. Enjoy kase grabeh.
I mean convenient model lang ako kase di ko naman kayang maging pro. Hehehehe.
1. Nakakaputi ng kilikili ang flash. – OMG, tawa ako ng tawa, loving this site :). btw, plurk mates pala tayo http://www.plurk.com/VinSon
Ows talaga! Haller haller! Buti at nadayo ka rito. Salamat! Kita-kits sa plurk! 😀
ang ganda ng bagong layout!! hehe. aaahhhlaaavveeet!
Pero parang walang kakulaykulay 😛
3. Nakakangalay magpose.
TOTOO!!! Lalo na pag naka-higa sa maliit na cabinet at naka-hang ang ulo sa dulo. hahaha =D
6. Cleavage cleavage cleavage.
AMEN!!! =D
“I am so inggit with Jan coz ang galing nya kahit first time lang.” Dai…you are so sosyal ha! You ha…you’re soo nakakatawa. As in…you know, funny! hahahaha =D
Yan ang Sunday ko na dapat relax lang, tambay sa apt. nina Meema. Napunta sa napaka-interesting na araw at gabi! Ano…beach na ‘to!!! =D
Pareho tayo! Waaaah! Kelangan kase exercise. Mga tipong pole dancing hahahaha.
Sabi nga sayo di ba? Natural ka sobra. Huhuhu! (Para namang balak ko tong gawing profession no? Hahaha)
Beach na to!