Litratong Pinoy: Sapatos de Hapon

Sa Japan, kung anuano na lang ang naiisip nilang gawing uso. Gaya ngayon, mas nauuso ang pagpapa-cute. Kung minsan labislabis ang kanilang ginagawa na umaabot sa kalagayan na kung saan mapupuno na sila ng hello kitty at ribbon na nakadikit sa buong katawan. Maiisip mo pa nga kung bakit di pa sila madapa sa bigat ng borloloy sa katawan. At kung bakit di pa sila nadudumog ng bubuyog sa sobrang kulay ng suot, pwede mo na kaseng mapagkamalang liwasan. Liwasan ha? Hindi bulaklak. (Mabuti pa nga ang bulaklak eh iisa lang ang kulay. Ahihi.)

Wala namang pinagkaiba ang sa sapatos. Lahat ng disenyo at kulay pwedeng gawing sapatos dito. Pati pa nga mantel (litrato sa taas) nakakayang gawing sapatos. Napakagaling at madiskarte ng mga Hapon. Pero wag ka, maganda sya, kahali-halina at kakaiba.

Sa Japan, makakaya mong maki-uso sa madla at maging bukod-tangi nang sabay dahil nga sa mga kakaiba at maraming disenyo na inaalok sa lahat. Nasa tao lang naman yung kung nanaising nyang isuot lahat ng damit nya gaya nung sinasabi ko kanina.

Balang araw maglalagay rin ako ng mga bihis ko na sa Japan ko lang maaring gawin. Hindi lang dahil sa may iba’t ibang panahon dito. Pero dahil mas maraming naalok dito sa kasuotan at ang mga tao rito hindi ka hinuhusgahan sa iyong bihis. Kung kerri naman, bakit hindi di ba?

Ang litrato sa taas ay akin at makikita mo ng mas malaki rito.

You can leave a response, or trackback from your own site.

9 Responses to “Litratong Pinoy: Sapatos de Hapon”

  1. aleng says:

    yokoso sa LP 😛 hehehe..

  2. meemax says:

    @aleng gambare na lang ako. at least me theme, mapipilitang magsulat. Hehehe.

  3. Thess says:

    ang sexy naman! mukha ngang mantel pero kahit na sexy talaga 😀

  4. meemax says:

    Ey salamat hehehe. Ang ganda nung LP post mo. 🙂

  5. oweynge says:

    nag noseblid ako sa tagalog. ang galing!

  6. ridge says:

    uu, that’s true…people there are open-minded…that’s why you can wear anything you want. dito pagtritripan ka ng mga tambay…tatawagin ka pang abnormal…eh sila nga tong mga walang grado…uey,kelan ka uwi?

  7. meemax says:

    Hehehe. Oo nga. Kelan nga ba ako uuwi?

  8. kapamilya says:

    Ganyan talaga kaming mga hapon, mga trend setter kahit na magmukha pa kaming rainbow, basta maging unique lang

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery