The Valenzona Curse

Mula ako clan Valenzona sa mother’s side. Super laki ata ng clan na ito at meron kaming Valenzona Day, ika-28 ng Disyembro. Magrereunion ang lahat at magtatanungan kung tagasaan ang itech at kung sinusino ang ninuno. (Baka nga naman matrace na 1085th cousin ko na sya. Ahihi!)

13 magkakapatid sila ng nanay ko. 3 lalaki and of course 10 babae. Tigasin ang XX chromosomes namin. Sa sobrang tigas, mas maraming babae sa’ming magpipinsan. (At sa sobrang tigas din meron kaming isang bakla. Nagpupumilit ang XX kahit may XY na nakasabit. Ahihi ulit!)

At ang curse?

Ang sumpa ay… according to age ang mga nabubuntis sa amin! O ha! Walang paltos pa yan. Ang mas matanda sa magpipinsan, mabubuntis. At di lang basta buntis yun ah, yung buntis talaga na hindi pa kasal.

O di ba!? Parang pinag-usapan eh no. (O ako muna magpapabuntis kase ako nakakatanda. Huwaaaatt?!?!)

So ayan. Dami tuloy shotgun weddings. Sa probinsya daw kase, kasagingan at
talihaban
lang ang entertainment dun. Ahaha! (Daw. Sabi lang sakin. Sosy kase ang mga tagasyudad. Motel! Pero wag ka, yung talihaban, libre!)

Sureball yang pagkakasunod sa age. Promise!

Pero meron pa rin namang naiiskip (tulad ko, ehem ehem, na good girl). At pagnaiskipan ka, di ka na magbubuntis FOREVER!

Ay syet, naihi naman ako dun. Ayoko nun. Joke lang! Basta sa mga naiskip, hanggang ngayon di pa nabubuntis o di kaya nabuntis na pero kasal na (pero after several years ikasal).

Tulad ngayon si Pinsan#57 nabuntis one semester bago grumaduate. Di nalang tiniis ang kati. Eto usapan.

Ako: So naskip si Pinsan#56?
Bro: Hindi naman ata buntis. Wala akong naririnig.
Ako: Wooo… Good good.

…..

Nanay
: Ayown! Si Pinsan#57 na-house arrest. Nalaman ata ng Tita#11 (nanay ni Pinsan#57).
Ako: Oo nga balita ko. Buti na lang si Pinsan#56 hindi buntis.
Nanay: Ano ka? Buntis din no! Nung pumunta dito kina Tita#5 (nanay ni Pinsan#56), buntis na pala. Di man lang nagsalita. Yung nagsumbong yung tatay nung nakabuntis.
Ako: Nyay! Akala ko skip na.

It’s the law of the Valenzona XX chromosome. Sequence dapat! Sequence ang pangangati. (ano daw?!)

Hmmm. Mali atang tawaging curse to. Kase ang curse, hindi naiiwasan. Siguro coincidental pattern lang. Pero too much of a coincidence ano?

(Syet!
Dumadami na mga pamangkin ko. Wag na kaya akong umuwi ng Pasko? Hehehe.)

You can leave a response, or trackback from your own site.

11 Responses to “The Valenzona Curse”

  1. madam says:

    talahiban? nakakasugat kaya ang talahib 😛

  2. meemax says:

    Hmmm mukhang from experience yan madam ah. Ahihi!

  3. katek says:

    pinsan# ano ka? 😀

  4. meemax says:

    Di ko alam. Mga 20plus na siguro. Dami namin eh. =P

  5. JS BACH says:

    haha! laf trip! masyado mo naman nilalaglag ang mga kamag-anak niyo.

  6. meemax says:

    @JS BACH. Nakow kung laglagan talaga eh dapat mga pangalan na nilagay ko. Wahahaha! Bahala sila no. Totoo naman. Hehehe.

  7. Ida says:

    Haha, panalo ‘to >> “(Syet! Dumadami na mga pamangkin ko. Wag na kaya akong umuwi ng Pasko? Hehehe.)”

  8. mandingvalenzona says:

    pls contact manding valenzona from malabon my ancestor from baybay leyte maasin

  9. darl says:

    hmmm… valenzona din ako… kasalukuyan akong nagreresearch ng pinagmulan ng clan na to… and natawa naman ako sa “curse” na to and sa mga monologue…haha! pinsan # ano kaya ako?

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery