Iba talaga pag alas-2 na ng umaga at pinipiga mo ang mga nalalabi mong brain cells kahit beddy-bye na sila.
Comment ko sa isang page ng blog ng kafriendship ko.
“Friendship. Easy friendship. Yung tipong hindi na nag-aalangan pang humirit dahil hindi na matatakot pang makasakit ng damdamin. Isang friendship na walang halong ampalaya. Nawa. Pero maaga pa para hilingin iyan. Hinay, hinay lang, Tina.â€
–> mula sa isa ring prankahista. mahirap ito. pero eventually may masasanay din at matatanggap nilang ikaw talaga ay ganyan. may mga nasasaktan din siguro pero nagget over dahil ganun ka talaga. ang mga friendships na malalim ay malalim din mag-away. pero kahit anumang sitwasyon nyo ay lalakarin ang anong layo kung ikaw ay may suliranin.sensya na malalim. emo mode ako ngayon hehehe. shit still happens. marami na akong friends na akala ko friends talaga. Nagbabagang uling tayong lahat. Madaling mapaso, madaling makapaso. Kung ayaw mong makapaso, patayin mo na lang ang iyong sindi pero nawalan ka rin ng silbi sa buhay. kekelanganin mong makihalubilo ulit sa ibang uling para sumindo kahit mapaso ka man ulit sa proseso.
nuvayan. pakshet ha! hehehe. pinagtripan ko ang blog mo. wahahaha. o sya goodnight na nga. nasobrahan ata ako sa worker bees kaya nakagawa pa ako ng sariling analogy wehehe. tulog ka na rin, uling!
Ayan. So mga uling, sa muling pagliliyab at pag-iinit ng ating friendships.
wahaha…ang deep! 😀
Des! My peyborit uling. Thanks for stopping by. Hehehhee.