Rearranging Lifestyle

Nagrearrange na naman ako ng room.

Yup, tama kayo. Keywordsszzz: na naman.

Panglima o pang-anim ko na ata tong rearrange sa naaalala ko. (Malay ko bang nagrerearrange din ako habang tulog. Buhaha!). Nakapunta na sa tatlong posibleng sulok ng kwarto ko ang aking futon. Kung pwede lang ilagay sa kisame, baka nagawa ko na siguro hehehe. Modern art!

Kung gusto mo raw magbago ng habit, rearrange mo raw yung bahay/kwarto mo. Kung ayaw mo nang kumakagat ng kuko, mag-iwan ka raw ng nail file o nail cutter kahit saan. Kahit saan. Para walang takas. Kahit sa trono mo sa banyo, iipit mo sa likod ng flush. O di kaya sa kusina, habang nagluluto. Wag mo lang pagkamalang betsin ang mga nagupit mo. Kung nangyari, kumakagat ka na ng lutong kuko! Wahahaha. (Wa ring nagbago. Naging mas class ka lang. Kasing class ng caveman na nakadiscover ng apoy.)

Huling arrangement ko eh may bookshelf bilang divider ng laptop at futon ko. Bakit? Kase nagpupuyat ako kakaharap ng laptop. (Naka-on po. Di naman ako baliw. Lokaloka lang!) Pero wa rin epek. Napupuyat pa rin ako. Dapat ata divider ko Pacific Ocean. Hindi lang sya ain’t no river wide enough. Ocean deef pa!

Ano namang point ng rearrangement ko ngayon? Para lumuwag! Nuvah! Nagrerearrange din naman ang tao para gumanda ang paligid (match sa aking fez and body.)

Rearrange na rin kayo. Gayahin nyo ako, nagrerearrange sa gabi. Matching full volume vacuum pa para ganti sa kapit-dingding kong mag-asawang maingay doing Cherlu-knows-what! Kala nila. Sa susunod, vavacuumin ko na yung wall!

You can leave a response, or trackback from your own site.

One Response to “Rearranging Lifestyle”

  1. tinats says:

    panalo ang re-arranging ever haha. pero masyado na akong
    attached sa arrangement ng kwarto ko haha. :p

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery