Iba na talaga kung long-term na kagandahan ang hinahangad.
Yes, ladies and Kuya Germs, I got myself a pair of braces (up and down kamo!). So ngayon, apat na araw na akong humihigop ng sabaw at kumakain ng jell-o.
(Buti na lang abundant neto sa Japan. Haha!)
Pathetic ang buhay ng may braces. Di ako makangiti, di ako makadaldal (may nagrorosario na nga ata sa pagpapasalamat dahil di ako makadakdak). Di ako makakain ng favorite food ko. =( Mahilig pa naman ako magngatngat ng buto ng manok. (Yup, year of the dog po ako).
O well, might as well make the best out of it. Magpapakasawa na lang ako sa mash potatoes at malatang kanin with konting kikoman (yumyum).
After two years, lechon, kasoy and chicken (here, chicky chicky) lagot kayo sa akin!
Gumanda nga ngipin, tumaba naman. Useless!
meema!
welcome back to the bloggers’ world.
bantog ra dugay kaau ka nawala… nagpakural diay ka ^-^
I removed my braces lately…my gums swelled big time and yes, very embarrassing to eat outside with the food stucked in those piece of metal!