Alam nyo ba ung feeling ng “nabunutan ng tinik“? Yup, figuratively po. Ung tipong medyo matagal mo nang pinapasan ung sakit o bigat (o kung anuman) tapos natanggal at aaaahhhhh… ANG SARAP! Sobrang ginhawa dahil alam mong di na to babalik pa (well, not soon hehe).
Ako, nabunutan na ng tinik. One less concern na iisipin. Dapat happy na ako at full of glee!
Sarap sana ng buhay….
Eh, paano kung ung method ng pagbunot ay using high-power tools? Dapat, pullers lang na pambunot kilay. Tapos pliers, drills at levers ung ginamit!?
Paano kung ung paraan ng pagbunot, mas masakit pa kaysa sa mismong tinik? Natanggal nga ung tinik. Pero pumalit naman ung seering pain dulot ng pasa, bugbog, at galos pagkatapos butasan, batakin, at hambalusin gamit ang power tools. Aray!
Wen wil da hertin’ istap?
Minsan siguro, para may maayos kailangan brutal at mabisa talaga ang solution.
Comparative to sa, pagkatapos mong madapa at sabihang “mag-ingat sabi eh“, babatukan ka pa “tanga ka kase, bat umaakyat sa escalator na pababa?“
I mean, come on!!! Di pa ba enough ung nadapa? Talagang ididiin pa na aanga-anga ung tao!? (Kung sa bagay, katangahan talaga yun. I still have the scar to prove it. Haha! :P)
Hopefully, gagaling din ung mga galos. Di gaya nung tinik na kelangan pang tanggalin para maghilom.
Sa mga taong naranasan to, hindi kayo nag-iisa.
Ang hirap ng ganyan…