Buhay Bato, Buhay Ko

Funny thing about me maintaining this blog is: I get lots of super ideas when I just stare into space. But when I TRY to create an entry. My mind goes blank and something like “putchar, asan na yung utak ko?

Kaya heto na naman ako, nakatitig sa isang blank notepad.

…Ano ba magandang isulat? Siguro something na lang na lagi kong ginagawa.

For someone bored like me… What to do? What to do?

1. Gumawa ng blog
– Uh… Yah.

2. Magsimula ng scrapbook.
– Magsimula lang. I started mine. I brought a scrapbook. Yun pa lang ang nagagawa ko. Wehehehe…

3. Matuto ng something new.
– I learned to drive. My boyfriend has ranked me as one of the scariest experiences in his entire life. I was gonna learn cooking, pero baka maging TOP ONE na ako sa lista.

4. Rearrange your room.
– Nabasa ko somewhere to start a new life or new habit, rearrange your surroundings muna. Inayos ko para maging organized ako at masipag. Di nakatulong. May laptop ako sa room at mistulang HOTSPOT tong bahay namin. New life ko: Tulog, Kain, Email, Blog at Chat. Tamad.

5. Watch your favorite series and/or cartoons especially ung mga pinapanood mo nung bata ka pa like Visionaries.
– Para maiba naman. New life ko: TV!, Tulog, Kain, Email, Blog at Chat.

6. Search your old friends and talk to current ones.
– Yup. Hinaloghug ko na ang Friendster, Multiply at Yahoo 360 looking for old friends, blockmates, orgmates at kung anuano-pang-mates! (For certain people, you know who you are: Bastos! Hehe!)

7. Magsubok ng kung anuanong web service, magsubok ng kung anuanong software.
– Currently, sinusubukan ko ang blog ng multiply, friendster, at bravenet. Ano pa ba? Goowy, Bloglines, etc. Nagsawa na ako sa kakasign-up.

8. Organize whaterver you need to organize.
– In relation to #7, inoorganize ko ngayon ang aking anime collection and I’m using www.anidb.net. Anime collectors! Highly recommended! Organizing my pictures too. Napapangiti lang ako sa memories at kung gaano ako kalokaloka dati. (Note po: Dati ha! Dati!)

9. Wow Maharlika!
– Syempre, gumala. Pero masakit to sa bulsa lalo sa tulad naming mga Palamunin. Masaya na ako sa lakad lakad sa kalye para me outdoor life din ako. (Syempre, nagbabaon pa rin ng ulam at kanin para tipid!)

10. Write a list of things you wanna do before you die.
– This is a bit morbid. Pero ganun ako kabato, nakagawa na ako ng lista. Gagawa pa ako ng lista ng places to go at people to see and talk to. Naghahanda na ba?

Naappreciate ko na rin ung mga ginagawa kong ito. Eto ung mga tipong gusto mong gawin pero la kang oras gawin kung meron kang regular work. (O kulang lang ako sa time management hehe)

Tsk tsk tsk… Narealize ko tuloy na hindi lang to mga things to do, eto na mismo ang buhay ko.

Damn! Need to start on that scrapbook.

You can leave a response, or trackback from your own site.

4 Responses to “Buhay Bato, Buhay Ko”

  1. zee rocks says:

    wehehehe… yan ang hirap/saya sa unemployed hehehe…

  2. MeemaX says:

    miss mo na ba zee?

  3. Anonymous says:

    Now that you have lots of spare time, may I suggest some constructive activities that you can do …he he he like..painting your room (show the artist in you) he he he,…..plant fruit trees (this will be your legacy to the future generations)…….throw away old and irreparable appliances in the house(make use of those spaces they occupy)..those that can be salvaged..have them repaired. These will keep you busy for awhile.. okey..

  4. MeemaX says:

    Hehe, nasa isang blog entry ung sagot ko rin. sige papaayos ko, basta ung budget. hehehehee…

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery