Kamalasan nga naman. Minsan nga lang pumunta ng Cebu upang magcelebrate ng tagal ng aming pagsasama (o pagplaplastikan) sa isa’t isa.. Minalas pa talaga.
Enumerate natin:
- Nagtaxi papuntang airport si D at si Z. Nagmamadali. Tumatakbo. Nadelayed ang flight ng 2 hours. Hintay ng 4 hours.
- Nakarating nga ng Cebu. Nadelayed ang sundo dahil may nawawalang Japanese.
- May nagLQ. (galing ng timing!)
- Wala nang van dahil nagLQ.
- Nagbayad ng P650 dahil wala nang van.
- Got the worst seats papuntang Bohol.
- Inulan kami halfway sa Bohol tour.
- Nadelayed ang boat pabalik galing Bohol.
- Pumunta ng live band restaurant. Of all the days, nung araw pa wala!
- Natulugan namin si Z habang kumankanta (hehehehe…)
- Got to the bus stop at 2:00am, para makaabot ng first trip sa barko. Winelcome kami ni Domeng the Hurricane.
- Wasted first half of the day kase walang trip papuntang white sand beaches. (mahilig din kase si Domeng sa white sand beaches)
- Dun lang sa pupuntahan namin dumaan si Domeng (Sa lahat ng foresaken places sa Cebu!).
- Next day, pumunta ng cebu sites. Under renovations ung iba.
Pupunta ng Cebu for some adventures, sasalubungin ng mis-adventures (na naman).
Di ko alam kung anong meron sa weather ng Cebu na tuwing may pinapasyal akong tagamanila eh umuulan.
(Mind you, between sa pag-alis ni T (isa ring unfortunate na turista) at pagdating ni D at Z, maaraw, maanit at talagang sobrang pinaasa ako of good pleasant WOW Maharlika weather.)
Dapat na bang magmura at parang sinisiraan ako ng panahon sa mga kaibigan ko?
OO! Pero di na siguro, kase kahit paano, nagpapasalamat pa rin ako. Despite netong lahat may mga natutunan ako at naranasang nakakatuwa.
- Kahit anong pangit ng araw ni Z, katumbas lang yan ng isang oras sa videoke.
- Si D ang personification ng kasiyahan ng block namin. Goddess of Happiness at Positive Thinking. (Aming Diyosa! Bow si Domeng sa kanya.)
- Inulan lang kami sa latter part ng Bohol trip. Kahit paano, naawa ang mga chocolate engkanto sa amin at di kami inulan sa Chocolate Hills 😛
- Nakapagswimming pa rin kami sa pool at natutunan kong pinapawisan ka rin pala sa tubig (thanks Z!)
- I learned the song Beer by the Itchyworms!
- Mapapangiti mo na si Z with cute cakes. (Kahit di na nya kainin, picturan na lang nya.)
- Highest kami sa maraming kanta sa POD5 karaoke place. Me top list sila per song.
- Walang live band sa resto kase nagshowing sila ng Purple (Gay) Cinema. Saw some scenes much worse that Brokeback Mountain. (Teka, positive ba to? Aliw!)
- Nagkasya pa rin sa budget of P3000 each lahat ng pinuntahan namin, Bohol included.
- Hindi indifferent si Z. (Weh! I was misled. Joke!)
- Muntikan kaming mastranded ni Domeng sa isla pero hindi.
- Natutunan nila ang isang Bisayan word: Lingin (by Aggressive Audio).
- First time kumain sa mga resto’s sa Cebu pero nakatsamba ng good delicious food. (Di umiral ung Murphy’s Law, hehe!)
Mahal pa rin kami ng Diyos. Nanumbalik ang self-esteem ko learning that I’m somehow blessed at di ako totally isang api.
D, Z! Salamat sa pagpunta! Di ko man kayo nayakap, pero HUGS! Sana di kayo sinundan ni Domeng dyan!
wehehe, ganda nung pics sa bohol at ni domeng…blog entry talaga ang (mis)adventures natin sa bohol/cebu, naisip ko din na gawan yan ng entry e hehe… dami mong natutunan abot Z hehe…lingin! 🙂
ha ha ha ha ha ayan of all the places sa Bantayan Island pa kayo pupunta…mas maganda ang mga beaches sa Mactan. Dinaanan tuloy kayo ni Kumpareng Domeng…anyway they’ve seen the northern part of Cebu and not too many Manila babes been there. Cebu has beautiful coastlines along the way. And for Bohol…did they see the cute tiny tarsier? Well the chocolate hills…how come I haven’t seen that yet. Will you bring me there too..please..please ..please.
Nice pictures…not much change after 8 years..though I would say all are lovelier today.
Tay! Ikaw yan ano? Kilala na kita! Bad timing lang pagpunta mo
ng Bantayan Island kaya akala mo pangit. Saka Bantayan Island tay,
hindi Daan Bantayan.
Hehehe, di ka pa ba nakapunta ng Bohol. Nakailang beses na yata
ako eh. Pero pulos Bohol lang. Maiba tayo tay. Siguro Siargao o
Camuguin. =)
What an adventure.. join ako minsan 🙂
Mwah! Mwah! Mwah!
(lingin…) langya to c meema, kung anuano cnasabi hehe.. anong ‘indifferent’? hahaha… basta, masaya outing. maski marami ngang misadventures, kasha naman sa budget. next tym ulet! \:D/
wheyt, baket bitin yung lingin!! waah!
haha… classic tlga yang college pic natin. wala, d ko ma-get over haha.. ang babata! 🙂
*eat my comments yumyumyum*
Parang nakita ko na sa Engg yung mga yan…
nagpapalipas oras tong si zee rocks.
Sige, blog ng blog at comment ng comment
habang me oras. Balik ka na kase sa
kayod-kayod community. ingit ako 😛
ang senti ng post ah. well, ng latter part ng post. 😛 hi meema!
-ida
hi ida! pangit kase kung pulos negative.
masaya naman kahit papano. heheheehe…
wahaha, daming nang comments meema, siguro nman mabubusog ka na dyan…
parang d ka nman several pounds heavier meema e, sexy ka pa rin wehehe…
triplets gala part 2, abangan… 🙂
heavier yan. sobrang liit ko nung college talaga eh. lalo na first year.