To be Microsoft or to be Google: that is the question

Bago ako batuhin ng mga Linux/BSD hardcore fans (o ung mga feeling hardcore), ngek ngek nyo na lang. Relax. Basa lang. Masyado kayong aggressive.

(MeemaX thinking: Blog ko to! Wala rin kayong magagawa. Huh!)

Since nakabasa ako ng secure coding book, naisip ko na talaga, “I wanna work for Bill Gates.”

Waaaaiiiittt!!! Sabing relax eh! Let go that rotten kamatis!

Hindi naman for the reason of global domination or for the sheer joy of destroying or buying other companies (I can do that on my own by blogging! hahhaha!). I wanna work for Microsoft ’cause I wanna be in the best software development team there is.

Ba’t ko nasabi? O come on.

Microsoft lang ang alam kong may security team na nagchecheck at nagrereview ng lahat ng proceedings ng software development. Sounds geeky! Yaaahhh! I know. Pero ganun talaga, quality code turns me on. =P

Kung me security team sila, imagine mo na lang kung hanggang anong extent ung quality control nila ng software engineering process. Ang hirap kaya non. Pinag-iinitan sila ng lahat ng hackers sa mundo. Kahit daming palpak, di mo rin masabing hindi extensive ang paghahanap nila ng mga security palpaks! Mas madaling maghanap ng iisang butas kaysa hanapin lahat at takpan ang mga ito.

I still say: Microsoft has the best software engineering team in the world! (me raising my rocker hands singing the pokemon theme ~~ “i wanna be the very best like no one ever was…“)

Sa Google, although may napupuna akong di masyadong maganda sa management ng project, baka dahil sa mga feeling OC na project managers. Syempre, no software company is complete without one.

Every software company needs a higher being (usually a project manager) that is hated and despised by everyone. This ensures the company stability (and keeps the engineers on their toes and updated on their profane vocabulary).

Nawala na ako. May naalala ako sa epson eh. wahahah! San na ba? Ah yes. Google.

Maganda din naman siguro software team ng Google. Ganda lang talaga kase kahit wala sa top, going there sila. Open sila for improvements sa lahat ng aspect ng company nila. Saya sigurong to grow kasali ng company na yun.

Hay… pangarap, pangarap, pangarap…

Libre lang naman ang mangarap. Libre din ang umiyak, madismaya, at magpukpuk ng ulo sa monitor nung nalaman mong basted ka ng Microsoft sa first interview.

WaaaahhHHHH!!!!

No matter how I try, I just can’t hate Microsoft. It was beautiful while it lasted.

O well, next! Google naman ang liligawan ko.

Kung di talaga ako Google, magmamatandang dalaga ako at magteteacher na lang sa UP. It’s Microsoft or Google or bust!

You can leave a response, or trackback from your own site.

2 Responses to “To be Microsoft or to be Google: that is the question”

  1. Enrico Pangan says:

    I would say go for Google. Although if it was the year 2000, I would say go for Microsoft.

    Paninindigan mo ba yung Microsoft or Google or bust? Hehehe. J/K

  2. MeemaX says:

    We’ll see hehehe… Ung Google year 2007 pa target heheheh 😀

    Bahala na. Basta!

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery