Inday Meema and her Job Mis-adventures

Officially, since May 1 of 2006, I am unemployed! Yeah! You heard it right! Call it whatever you like. Bum, PNB (palaging nasa bahay) o PAL (palamunin). Pero here I am. Starting my blog all over again. Obvious bang dami kong oras? Hehehehe…

The usual, sinimulan ko ang job adventures ko. Ginamit ko ang salitang “adventures” kase hindi lang naman hunting ang nangyari sa mga enkwentrong ito. Nakakawili, nakakaaliw na me halong takot at kaba sa mga naranasan ko.

Sa mga medyo well-known organizations na gusto ko sanang salihan: Chikka, Microsoft, GMA7 at Smart. Syempre, apply-apply din sa mga di-masyadong kilalang companies.

Sidetrack: Yes! GMA7 po! Me bago silang IT and Media company. O di ba? Di lang TV ang trip nila ngayon. And yes! Trip ko sana maging-Kapuso.

Diretso na ako sa conclusion: Di ako natanggap sa kahit anuman dito hehehe. They thought I was just a pretty face.

(Oh! Walang mambabato ng itlog! Mahal yan! Crisis ngayon!)

So ano ba talagang nangyari kamo?

Sa GMA7 at Smart, me invitation ako kaso di ako nakapunta. Di makakayanan ng muscles ko ang lumangoy galing Cebu papuntang Manila. In some parts, tinamad lang hehehe.

Sa Verifone, natanggap ako kaso for QA hindi for Dev.

Sa Cybertech, natanggap ako. On the first day, di ako nagising. Nahiya ako at nagsabi akong di na ako tutuloy.

Sa iba? Like I said, they thought I was just a pretty face.

(Wah! Idiin ba naman. Man, self-esteem issues.)

Joke! Pumapasa ako sa technical exams and interview. Di ko na alam ano talagang nangyari. 😛

O di ba? Adventures o mis-adventures. I’m a constant victim of circumstance. (Which is true. Ako lang kilala kong taong magnet ang mukha sa bola. Softball, volleyball, pingpong. Name it.)

As of today, 1 month and 11 days na akong bum, PNB at PAL. So far, nag-eenjoy ako kahit wala akong pera. Diskarte lang yan. Tipid. Pumupunta ako ng Mall na me baong kanin at ulam (beat that!).

I expect to be like this hanggang end of July siguro. Tingnan na lang natin kung tatagal pa ba ako. 🙂

You can leave a response, or trackback from your own site.

2 Responses to “Inday Meema and her Job Mis-adventures”

  1. winzter says:

    watta adventures! daig mo pa c kenchie na naglakbay patungong edo hehe:p pagbutihin mo pang paglalakbay, bilib ako sayo meema hehe:)

  2. doroie says:

    Wow ang galing mong magsulat..parang tabloid..he he he…I’m impressed.Magbago ka na lang kaya ng kurso…he he he Anyway, whatever you call them adventures or misadventures, I call them SPICES OF LIFE. It’s full of emotions and lessons can be learned from it. I believed that there’s a better job waiting for you somewhere…Good luck DUDAY.

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by: Free WordPress Themes | Thanks to Best Free WordPress Themes, Top WordPress Themes and Themes Gallery