Mahigit isang daang taon simulang linisan ni Potpot ang bansa ng mga sakang (I jest, 2 months). Pero 100 years pa rin bago ako nakagawa ng video. Amfufu!
100 years na rin akong hindi nagbloblog, pero sa ibang blog naman yan. Ahihi! Promise magbloblog na. May working flow na ako eh. Naks!
Pot, promise sobrang miss na kita. T_T Next year dapat magkita tayo. Uuwi ako sa Pinas nun promise.
Much ado about nothing. Huwat?! (Mali, napa-Shakespear tuloy ako sa kakadrama.)
Without further ado, the Missing Potpot video by Meema Esguerra. (Nagfefeeling lang ako. Animoto magic lang yan. Ahahaha!)
View it larger here.
Alam nyo ba, nangyari ang isang pangyayari na inaasahan ko namang mangyari for awhile na. (Nagtunog chismis kaysa kwento)
Yup, nidelete ako ng isang inaakala kong kaibigan sa plurk.
Oo tarush! Deleted po. Removed. Do not follow. Reject. (Iba pala ang reject)
Nag-the-thinker pose ako (hindi sa kobeta) at nagmuni. “Ano bang nagawa ko at nadelete ako?” Piniga, nilabhan at binanlawan ko na ang aking brain. Wiz. Wala pa rin akong maisip. How could this be?
That’s it badit! Moment of truth. Sa aking denial at paglilinlang sa sarili, nagulantang na lang ako nang aking nalaman ang isang bagay na matagal nang nagpupumilit makipagharapan sa’kin.
I’m effin’ broke. (kamay sa dibdib, panunumpa sa watawat)
Yes. Sa mga ilusyonado dyan gaya ko, I have no friggin’ extra money. May money pero survivor mode! (Kaya wag na kayong umasa sa mga aguinaldo mga feeling inaanak).
Medyo masaklap nga lang na marerealize ko na lang sya bigla, out of the blue, suddenly with surprise factor. After 48 years pa! Tsk. I was really in denial. (Yes, mudra. Wiz ko na notice ang downfall).
Sa mga hindi nakakaalam Tita Helen, ay yung current salary ko ngayon ay 2/3 ng dating salary. Malayong malayo. Malabong malabo rin magkaipon, di ba? Kahit sinong grade 6, magegets yun sa moment na yun.
But not me. Nag-iilusyon ako sa tuwa na may trabaho ako.
Tsk. Ang di ko lang alam: mayroon nga, ngunit di sapat. (Naks pang radio drama ng 3 o’clock)
Lately napapansin ko na karamihan ng mga lakad ko, nalilibre na ako. (kahit wala sa plano, o talagang cute lang ako. Kalibre-libre ahihihi!). Twice na nga ata. Yung one time pa, nagtungga ako ng 4 smirnoff straight bottoms-up like within 30 minutes. Ang galing ko di ba? Nilibre na ako, nagpaalaga pa ako. Amfufu ni Inday.
Then of course ang latest episode, para sa isang farewell party ng friend ko:
“XXXXX me kelangan ba kaming bayaran sa party?”
“5000 yen. Ya I know it’s a little steep. I’ll ask YYYYY if we can get you a discount.”
Araguy! I am so poor. Kinailangan pa akong bigyan ng discount.
Kaya pala hindi na rin kami naiinvite ng barkadang itech. Not that I blaim them. KJ galore na eh. Kung pwede lang ibenta ang pag-iilusyon, mayaman na sana ako at nakisama dun sa Gunma, Niigata at kung saanman. (Although sa party na to, pupunta pa rin ako. Baka hindi ko na sila makikita ever.)
Ang masasabi ko ngayon, I’m really sorry guys. T_T Gusto ko talagang sumama, subalit sadyang ganito ang tadhana. Malupit at masaklap. Kalurki!
I friggin’ hate my life right now. Pffftt.
Caught in the act kami! Shucks! Yes papa. I go both ways. LOL!
Sorry di ko natiis i-post tong picture. Priceless sobra ang expression ni Jan. Gulat na gulat. Ahaaha. Aw!
Picture above by Potpot (love ya! salamat dito sobra!) For other pics, check nyo na lang to:
By Potpot: http://www.flickr.com/photos/potsquared
By Dudut: http://www.flickr.com/photos/kidperez
By Cacho: http://www.flickr.com/photos/cachopls
By Moogs: http://www.flickr.com/photos/anjin
By Vanniex: http://www.flickr.com/photos/vanniex/
By Rance: http://www.flickr.com/photos/rancedelrosario/
O yung mga naghahanap raw ng sample pics. Eto na! Respeto lang sa blog owner at bawal manlait! LOL! (Joke lang. Constructive criticism welcome)
The usual applies. Click for a larger image. ^^
And there you have it folks! Trip-trip lang naman. At least libreng make-up and pictures. San ka pa! (Ganda ko di ba? O, agree na kase.)
Not once but twice na akong tinawag para mag-substi sa mga pro models na minsanay hindi available.
At bago nyo mafeel ang hangin, hindi ako naghahangin (is-slayt lang). Ako lang ang pinakaconvenient na babaeng matatawagan para magpose to the left at to the right. The keyword is convenient. (Ahehe. Haller? Ako? Model? Height nga!)
Kaya eto na naman kahapon nung tinawagan ako habang mamutamuta pa ako at di pa nagsisipilyo, masaya akong naghihiwa ng ampalaya para sana sa almusal (sa tanghali).
“Meema punta ka rito! As in now na! Now!”
Gaaaaah!
Read more…
Bongga Ka Day!
May 29, 2009 // Posted by: meemax // Category: Ego, Friends, Humor, Just Me, Photography, Sexy, VideoSa mga nagtataka kung what’s-the-going na sa aking buhay, well eto nagpapakabusy… sa mga maling bagay! Hahahaha. Amfufu!
Hindi sa work na dapat ko ngang inaasikaso kundi mga ibang bisyo at bagaybagay na nagbibigay nang panadaliang ligaya sa aking existence. Shucks!
Kaya heto. Isang patikim ng aking pinagkakaabalahan sa mga nakaraang araw: photography, friends and animoto. (I lab ya animoto. Nakakaadik ka!)
Try nyo lang akong hanapin. (Parang ang hirap no?) Gulating factor ito! Medyo mahaba sya, pambawi sa absence ko sa blogosphere.
Ang Galing ni Twilight
February 25, 2009 // Posted by: meemax // Category: Friends, Life, Love, StoryPaano nalaman ni Codename Twilight ang tinatagong bagong relationship (amoy bagong kotse pa) ng kaibigan na itatago natin sa pangalang Codename Otoro. (Apparently, secret daw muna. Ssshh.)
Twilight: =))
Twilight: sabi ko kasi
Twilight: kayo na
Twilight: tapos hahaha lang
Twilight: tapos bglang
Twilight: uy di si <<name of former crush>> ah
Twilight:)
Twilight: wat d f
Twilight:)
Kala ko ba secret? Eh umamin agad? O likas lang talagang magaling si Twilight?
Otoro, congrats sa natagpuang pagmamahal. Sananawa’y maging maligaya kayo. Mabuhay ang pag-ibig!
8 years old. ako nung ako’y namukol (sa mga di-nakakarelate aka me-lawit, pamumukol ang simula ng paglaki ng Mt. Makiling and twin).
Grade 6. May hinaharap na ang loka kahit takbo pa ng takbo sa grounds. (Imagine bouncing. And bouncing. And bouncing. And…)
High School. Mas uso sa school ang magbihis bagets. As in boy bagets. Loose shirt, slouch and loose pants. Kaso di kerri dahil kahit anong loose ng shirt, may babakat at babakat na twin peaks.
Pre-college. Napagkamalang hindi virgin dahil malaki boobs. (Haller, ni hindi pa ako marunong magbunot ng kilay!)
College. Well the bouncing went on.
Japan training. Napagtanungan, “malalaki ba talaga ang boobs ng mga Filipina?” ng mga taga-Thailand (Nagkataon kaming lima na Pinay sa buong 5-floor training center eeeehh… gifted)
Cebu work. Binansagang 13th month pay ang cleavage nung Christmas party.
Proof?
Anong point nga ba neto? Eto trying to convince myself na… Oo! May boobs ako! Gifted ako!
I came back to Japan (and still in Japan). And then, I met this two girls.
I hang out with them a lot. With them having cleavage level of point-of-no-return, kaya heto I feel so flat.
I have boobs demet! I do! I haz! Nyornyornyornyor….
Disclaimer: I’m proud of my friends. Baka magtampo.
Tawagin nyo akong Kakaibang Kharisma
January 28, 2009 // Posted by: meemax // Category: Friends, Just Me, Life, StorySadya yatang tamad ang mga Pinoys (specifically mga Tagalog) at nahahabaan talaga sa pangalan ko (refer to previous entry). Kaya ayan, ang dami-dami-dami kong pangalan o bansag.
Me mga confusions talaga at pagkakamot ng ulo. Kaya heto, ililista ko na para kung magtagpo man kayong mga kilala ko at least malalaman nyo kung me common friend kayong ever sikat. (Moi!)
1. Maria
Pangalan ko nung preschool at elementary. Sa sobra ko kaseng talino, tinanong ang first name ko, sabi ko Maria. Eh ano nga ba naman nauuna? Maria di ba?
2. Kharisma
Nagets ko na na hindi Maria ang common na pantawag kung me iba kang pangalan kesa sa Maria. Nagsawa na kase ako sa jokes na Maria went to town, Maria Makiling at kung anek-anek pa. Napalitan lang ng Kakaibang Karisma jokes.
3. Meema
Palayaw ko talaga sa mga Tagalog relatives ko simula kamusmusan ko pa. Yung mga Bisaya, #2 talaga tawag kase mas masarap isigaw hehehe. (HOY KHA-RIS-MA!!!) Mga Tagalog naman nahahabaan. Tsk!
4. Khars
Yes. Sa mga nagdedelusion na may gulong ako at kambyo, sorry babae po ako. Kaugalian na ng mga Bisaya ang magpaikli ng pangalan, gawa sa first syllable at dudugtungan ng ‘s‘ o ‘z‘. Kaya ganyan. Me friends akong Ligz (for Ligaya), Mars (for Maricel) at Liz (dahil Liz talaga pangalan nya).
5. Sima
Short of Kharism. O di ba? Parang autism o narcism. Para akong sakit mentally o psychologically. Bansag ng kakaklaseng naging so-called 2nd bestfriend ko noon (ata). Gusto nya kase ng special na pangtawag, for her and only her.
6. Meemax
Bansag ni Ador. Ganyan lang talaga sya. At nagstick na yung pangalan. Naging software pa nga eh, ginamit kong pangalan sa isang project wahahahaha. Gumanti naman ako. Ador is for Adoracion, Adoru-kun or YDOM (youngest DOM alive hahahaha… ibang blog entry to pero magpapaalam muna ako).
7. Max
from Meemax. Dahil tamad ang bestfriend kong sabihin ang buong Meemax.
8. Meemix
Bansag ulit ni Ador. Didn’t stick. Para ka kaseng psychophatic na may stiff neck pag sinasabi mo ‘to. O di kaya lamok Mmmmeeeemmiixx…
9. Meems
Same as #4 pero sa college. Yung #4 nung high school. Si Cocoh na lang tumatawag sa’kin nyan though. ^_^
10. Meemers
Ang bansag ni ever lovable pokemon Tinats. Usually kong naririnig (o nababasa sa YM) kung me kelangan o may atraso. (Joke lang! Naririnig ko rin to kapag humihindi sya sa mga aya ko dahil tinatamad. Peace!)
Yep. Aliw di ba? You should see the time my grade school friends and high school friends met me again. Maria! Kharisma! Wait… what?!
It’s that messed up.
———————
UPDATE! Nagdagdag ako ng #10 kase may nakalimutan nga ako. Tsk. Alam kong marami pang iba, alam ko me one time na Mamee ang tawag sakin pero mukhang very short lived din ata yun.










