April 20, 2008 // Posted by: meemax // Category:
Embarassment,
Event,
Gala,
Humor,
Just Me,
Life,
Pain,
Photography
Weeeeelll.. Hindi sya konti.
Dahil sa kung anong ispiritu (nagngangalang love of photography pakshety-shet) sumapi sa amin ni Tinats, walang pag-aalinlangan (as in wala, as in go go go betlogs and all kami) kaming lumusob sa putikan… na lintik sa lalim pala at mala-pirahna pa kung kumain ng boots. Langya! Taga-pilipinas pa naman kami. Magsasaka ang aming mga ninuno. Paksheters talaga.
Pero in fernez, tawa lang kami ng tawa all the way (promise!). Nasa sitwasyon na kasi kaming, “Nangyari na eh.” (Kaya mga beki, sense of humor kahit sa sariling kamalasan goes a long way. Hanggang Chiba pa nga itu!)
Heto po ako. Beauty pa rin kahit putikan. Yan ang tunay na pinay!
(Photo by Tinats. Hnimatay na si Impulse eh)
Tinats, salamat sa pagsagip ng aking Impulse (yung S5) sa tuluyang pagkalunod. Nagrerecover pa sya ngayon sa shock. Ipapaconsult ko na sya sa psychoanalyst bukas para iwas trauma. Bilibid or not, ayoko syang mapalitan dahil ito na talaga ang ultimate bonding na nangyari sa amin. Through better or worse kaming dalawa! (Salamat din pati na rin sa pag sama sa Jusco kahit nakapalda ako ng plastic at nakapaa. Hehe. =D)
Ang mag-amang Tina-mach, salamat sa pagsama sa akin sa Roppongi. Kahit sinasabi ko na di ako depressed sa camera, yup medyo nalungkot rin. Pero mostly dahil super kamalas ng trip na ito from the limited express hanggang sa closed restos. Full moon na nga, galit pa ang moon sa akin. Talagang nagshine down lahat ng life-altering powers nya sa akin. (I cursed thee with all the powers of this blog!!!)
(Not to mention I have been waiting for this trip a long time at eto lang ang nangyari. T_T)
Sa lahat, Impulse would like to thank you for your kind words and concern. Sabi nya eengot-engot daw yung amo nya at pinagkamalan syang rugged version pero mahal nya pa rin. (Naiyak ako dun… Waaaah)
(Photo by Mach. Nalinis na ng konti. Previously mudwrestling ang hitsura)
Walang SLR ang papantay sa bonding namin ni Impulse.
*cough-tina-mach* *cough-kaye*
Singit:Hang-bilis ding kumalat ng balita.
Eng (2008/04/21 1:19:04): kay nalublob imong s5?
Eng (2008/04/21 1:19:27): its all over flickr
Eng (2008/04/21 1:19:29): hahaha
I love you Eng. Hehe! Tatawanan din kita pag nangyari sayo to. Wehehe. =P
Bow!
April 12, 2008 // Posted by: meemax // Category:
Just Me
Assuming naman kase kung sasabihn kong writer’s block di ba?
Kaya heto. Walang maisulat. Walang maisip. Hmmm. Penge nga ng topic?
Dapat kase once a day nakakapagblog ako eh. Kainis kasi tong laging busy sa office. Namamaximize ang 8 hours. (Hmmm di ba dapat ganun naman dapat. O well). Good management sucks! Wwwhhaaatt?!?!
Sana may maisip ako agad.
April 09, 2008 // Posted by: meemax // Category:
Embarassment,
Friends,
Humor,
Japan
April 03, 2008 // Posted by: meemax // Category:
Geekiness,
Just Me
I’m such a Rockman fan.
Oist! Ikaw! Oo ikaw! Bilhan mo naman ako neto o.
Characters yan from Rockman 2 (Family Computer/NES game). Natapos ko yun hehehe.
Addict!
April 03, 2008 // Posted by: meemax // Category:
Friends,
Gala
Nikko trip bukas kasama ang kaberks (eeewww.. talagang ginamit ko waaah). Dami ko pang gustong puntahan. Waaah. Wait and see the lang.
April 02, 2008 // Posted by: meemax // Category:
Emo,
Friends,
Just Me,
Life
Iba talaga pag alas-2 na ng umaga at pinipiga mo ang mga nalalabi mong brain cells kahit beddy-bye na sila.
Comment ko sa isang page ng blog ng kafriendship ko.
“Friendship. Easy friendship. Yung tipong hindi na nag-aalangan pang humirit dahil hindi na matatakot pang makasakit ng damdamin. Isang friendship na walang halong ampalaya. Nawa. Pero maaga pa para hilingin iyan. Hinay, hinay lang, Tina.”
–> mula sa isa ring prankahista. mahirap ito. pero eventually may masasanay din at matatanggap nilang ikaw talaga ay ganyan. may mga nasasaktan din siguro pero nagget over dahil ganun ka talaga. ang mga friendships na malalim ay malalim din mag-away. pero kahit anumang sitwasyon nyo ay lalakarin ang anong layo kung ikaw ay may suliranin.
sensya na malalim. emo mode ako ngayon hehehe. shit still happens. marami na akong friends na akala ko friends talaga. Nagbabagang uling tayong lahat. Madaling mapaso, madaling makapaso. Kung ayaw mong makapaso, patayin mo na lang ang iyong sindi pero nawalan ka rin ng silbi sa buhay. kekelanganin mong makihalubilo ulit sa ibang uling para sumindo kahit mapaso ka man ulit sa proseso.
nuvayan. pakshet ha! hehehe. pinagtripan ko ang blog mo. wahahaha. o sya goodnight na nga. nasobrahan ata ako sa worker bees kaya nakagawa pa ako ng sariling analogy wehehe. tulog ka na rin, uling!
Ayan. So mga uling, sa muling pagliliyab at pag-iinit ng ating friendships.
April 01, 2008 // Posted by: meemax // Category:
Just Me,
Life,
Pain
Heto na naman ako sa mga English titles pero sariling wika naman ang blog.
Sa mga panahong ito ay hinihila na naman ako sa isang maitim na sulok na ang tinatawag ay solitude. Gusto kong mag-isa, magsarili at magmukmok (di ba to magkasingkahulugan?). Blah blah blah! Daing daing. Angal.
Umaasa na lang ako sa aking mga super friends! Hoist kaladkarin nyo ako mula rito!!
(Walang katuturang blog. Nu vah! Cherlalu ang aking pagkaeklavu to the max! Quevs!)
O baka kaya kulang lang ako sa comments? Ano daw? Hehe.