You Don’t Say?

March 27, 2008  //  Posted by: meemax  //  Category: Ego, Just Me, Life

Nakita ko galing sa isang blog. (Meme dapat pero dehins ko na type magmeme.) Sinasabi dito kung ano ka (tao!) kung ipinanganak ka sa buwang ito. Well tignan nga natin ang husay ng memeng itech!

React lang. Nagrereact nga ako eh. Heto!

MARCH(-ians wahaha):

  1. Attractive personality
    Attrative? Oo! May personality? Of course. Attractive personality… ummm di ko sure. Sa langaw siguro! Haha!
  2. Sexy
    Walang kokontra!
  3. Affectionate
    Oo naman. I affect and affect. Tama ba?
  4. Shy and reserved
    March people: BJ, Tinats, Arlan. Shy? Reserved? BWAHAHAHAHAHA!
  5. Secretive
    Maybe. Hindi ko pa rin kilala sino ang ikaw ni Tinats. (wink! wink!)
  6. Naturally honest, generous and sympathetic
    Naturally honest o brutally frank. What’s the difference?
  7. Loves peace and serenity
    Of course. World peace pa rin. Pam-beauty pagent ata ako. Huh!
  8. Sensitive to others
    Yup. Pero super dense pagdating sa sarili. Hahaha!
  9. Loves to serve others
    Oo. Gustong kong nagpapaalipin, tamad nga lang. Hehehee.
  10. Easily angered
    Isslaaayyt.
  11. Trustworthy
    Promise!
  12. Appreciative and returns kindness
    Nakakaalala ng utang at nagbabayad.
  13. Observant and assesses others
    Oo. Napsych ko na kayo from head to toe.
  14. Revengeful
    Teka teka. Asan na yung revengeful skills ko nung kelangan ko? Mali to. Tsk tsk!
  15. Loves to dream and fantasize
    Yep umaamin ako. Eh si BJ, ano ang dreams and fantasies mo? Wahaha!
  16. Loves traveling
    No comment. =P
  17. Loves attention
    Hmm. Di ko alam. Dense nga ako sa sarili ko.
  18. Hasty decisions in choosing partners
    Aray! Aray! Naku…
  19. Loves home decors
    I rearrange my room like once every two months.
  20. Musically talented
    Isa pa tong nawawala. Grr.
  21. Loves special things
    Saka special people like Ramil. Hahaha! Joke!
  22. Moody
    May super sayan mode yan. Pag may mens ako. Wahahaha!

Ey kayo? Click na sa blog link tapos tignan nyo kung nagtugma rin yung sa inyo. Basta ako, masaya na ako sa #2. Sexy! Yebah!

Category Matanda

March 26, 2008  //  Posted by: meemax  //  Category: Just Me, Life

You know you’re old (losyang, matanda, lola, gurang, ulyanin hooopps getting too far weheheh)

when all the contestants of American Idol are younger than you are (pati top 24).

Pakshet naman oo!

Rearranging Lifestyle

March 24, 2008  //  Posted by: meemax  //  Category: Just Me, Life

Nagrearrange na naman ako ng room.

Yup, tama kayo. Keywordsszzz: na naman.

Panglima o pang-anim ko na ata tong rearrange sa naaalala ko. (Malay ko bang nagrerearrange din ako habang tulog. Buhaha!). Nakapunta na sa tatlong posibleng sulok ng kwarto ko ang aking futon. Kung pwede lang ilagay sa kisame, baka nagawa ko na siguro hehehe. Modern art!

Kung gusto mo raw magbago ng habit, rearrange mo raw yung bahay/kwarto mo. Kung ayaw mo nang kumakagat ng kuko, mag-iwan ka raw ng nail file o nail cutter kahit saan. Kahit saan. Para walang takas. Kahit sa trono mo sa banyo, iipit mo sa likod ng flush. O di kaya sa kusina, habang nagluluto. Wag mo lang pagkamalang betsin ang mga nagupit mo. Kung nangyari, kumakagat ka na ng lutong kuko! Wahahaha. (Wa ring nagbago. Naging mas class ka lang. Kasing class ng caveman na nakadiscover ng apoy.)

Huling arrangement ko eh may bookshelf bilang divider ng laptop at futon ko. Bakit? Kase nagpupuyat ako kakaharap ng laptop. (Naka-on po. Di naman ako baliw. Lokaloka lang!) Pero wa rin epek. Napupuyat pa rin ako. Dapat ata divider ko Pacific Ocean. Hindi lang sya ain’t no river wide enough. Ocean deef pa!

Ano namang point ng rearrangement ko ngayon? Para lumuwag! Nuvah! Nagrerearrange din naman ang tao para gumanda ang paligid (match sa aking fez and body.)

Rearrange na rin kayo. Gayahin nyo ako, nagrerearrange sa gabi. Matching full volume vacuum pa para ganti sa kapit-dingding kong mag-asawang maingay doing Cherlu-knows-what! Kala nila. Sa susunod, vavacuumin ko na yung wall!

Snooze Button ng Buhay

March 19, 2008  //  Posted by: meemax  //  Category: Just Me

Holiday on a Thursday?!

Yup. Holiday po bukas. Saya sana. Kung wala lang work sa Saturday!!!

Waaaah. Heto na naman ako at gugulong gulong sa futon. Tutunganga sa kisame at may-I-isip kung anong gagawin. Mayamaya’y gabi na pala! Sayang na naman ang buong araw.

Meema + Holiday = Wasted day

Ganun talaga ako. Laging snooze 5 minutes ako. Hindi lang sa tulog. Sa paghiga. Sa panonood ng series. At kung anek-anek pa. (may snooze din ako sa deadlines sa work. Wahaha. Ssshh..)

Yup. Ako ang taong kaya kong i-snooze lahat. Walang humpay sa pagsnooze.

Kaya tuloy walang napapala sa mga holidays ko (at malamang sa buhay ko).

Snooze muna ako. Sa muling pagbloblog. (^o^)

Saag

March 18, 2008  //  Posted by: meemax  //  Category: Bisaya, Just Me, Life

(Babala: Bisaya/Cebuano. Ang sulating ito ay nakaakda gamit ng wikang Bisaya/Cebuano. Maari nyo itong laktawin. ipinapangako kong hindi ko kayo tinitirang patalikod.)

Wala man koy mahisgutan sa pagkakaron.

Sa unsa siguro nako kalingaw magtinagalog o mag-iningles, pildi gyud ko inig kaabot sa binisaya. (Unsaon man tana nga half-breed bisdak ra man ko hehehe)

Saag lang gyud siguro ko. Nagpakabisdak bisag dili bisdak. Iduot bisag di maduot. Pugson bisag di mabangbang.

Nya, asa naman ta ani? (nanghiwi)

Pagsadia lang tawn ang saag. Lingaw man gud makabagutbot, manglibak, kataw-an, storyaan ang mga taw ng wa kasabot nato. (Judy Ann kaayog drama. Mao lagi ning walay topic. Haha!)

Wala na gyud mahisgut pang lain.

Mamarog na lang tang mga bisaya!
Nagbarog namo? Sige ha? One… Two… Three… Tuwad!

Why I Heart Pinoy Commercials

March 13, 2008  //  Posted by: meemax  //  Category: Event, Humor, Just Me, Life, Maharlika, Video

Bwisit! Isa kang duwag! Duwaag!

(Nora Aunor effect, with somewhat wet hair on my fez)

Namiss ko Pinoy commercials. The ober sa kornix factor at memorable jingles. Buti na lang may masisipag mag-upload sa youtube. I owe you my sanitary napkin este… sanity pala.

Shucks dinadaan ko na naman sa video at pictures ba? Sensya na. Naglayas kase ang writing talents (pagbigyan na, talent na lang itawag okie?) ko dahil di sya ginagamit ng amo. Promise, isasanla ko ang natitira kong budhi at bibili ako ng spanking new writing skills. Wehehe. Joke!

Dadalasan ko nalang pagsusulat. Sana. Hold fast my fans.

Oks, mag-enjoy (o masidak) kayo!

Turning Late 20’s

March 11, 2008  //  Posted by: meemax  //  Category: Event, Just Me, Life

Of course. Nabibilang na lang ang mga minuto bago ako maging….



26!

Oo! Ako ngayon ay nasa late 20’s. Phuket Thailand!

Di na maikakait. Sa puso sa salita at sa gawa. Kahit papaano ay unti-unti akong ginagapangan ng isang mapanlinlang na nilalang na tinatawag nating maturity. Gustuhin man natin o hindi.

Wahehe! Pagpasensyahan nyo na. Medyo nakakagulat lang na 26 na ako in 50 minutes. Wehehe. Don’t worry. Masaya naman ako ngayon. Kahit di pa ako 26, may violet (hindi purple, hindi!) bag na ako at shure earphones. :D At parating na ang DS Lite (mula sa excited kong ama). Hehehe.

Kaya happy! (shalala…) and mature. Keri ba?

Huuwaatt?!?!

March 04, 2008  //  Posted by: meemax  //  Category: Just Me

Yup! Vagong (with out of the ATM smell pa) domain po ang inyong lingkod. Pagpasensyahan ang not-so-original theme (o sya sya, hindi sya original talaga. downloaded. wehehe). Me mga pagbabago pa na mangyayari pwamis! (Kagat-labi)

So ano mga maeexpect nyo na changes?

Isa: no spokening or ispellingin English dire. Kung meron man eh konyotik o di kaya para lang magtunog may-pinag-aralan naman aketch. Divachuchu?
Isa (and a half): Kadugtong nung una. Bisaya at Tagalog lang po. Di na ako magti-TH pa sa Nihon. My gosh my yasai! Hindi ako nagblog para magsakripisyo. Alam kong Lent na pero jusme.

Hmmm. Wala na akong maisip. Hayun!

Sana po’y subaybayin nyo pa rin ito gaya nung pagsusubaybay ng mga masa sa akin. =D

Kaligutpay is using WP-Gravatar