February 25, 2007 // Posted by: meemax // Category:
Embarassment,
Life,
Pain
One week nang me bakod ang aking mga ngipin. Although medyo kaya ko nang ngumuya ng konti (on the left side lang, haha!), nag-aalangan pa rin akong kumain sa labas.
Reason? Ang pangit kong kumain!
Well, nuf said. I don’t think I’ll be eating out ever again. Not unless it’s soup or ice cream.
February 21, 2007 // Posted by: meemax // Category:
Pain
Iba na talaga kung long-term na kagandahan ang hinahangad.
Yes, ladies and Kuya Germs, I got myself a pair of braces (up and down kamo!). So ngayon, apat na araw na akong humihigop ng sabaw at kumakain ng jell-o.
(Buti na lang abundant neto sa Japan. Haha!)
Pathetic ang buhay ng may braces. Di ako makangiti, di ako makadaldal (may nagrorosario na nga ata sa pagpapasalamat dahil di ako makadakdak). Di ako makakain ng favorite food ko. =( Mahilig pa naman ako magngatngat ng buto ng manok. (Yup, year of the dog po ako).
O well, might as well make the best out of it. Magpapakasawa na lang ako sa mash potatoes at malatang kanin with konting kikoman (yumyum).
After two years, lechon, kasoy and chicken (here, chicky chicky) lagot kayo sa akin!
Gumanda nga ngipin, tumaba naman. Useless!