Bakasyong Walang Sigla
December 29, 2006 // Posted by: meemax // Category: UncategorizedYehey! Bakasyon na kahit gaano kaikli. Ika-29 ng Disyembre hanggang ika-4 ng Enero. Dami kong plinanong gawin.
Ngayong nagsimula na, toink! Nawala rin ang gana parang bula!
(Blog ko nalang. Baka mawili ako kung ililista ko di ba?)
1. Mag-aral ng nihongo
- Wahaaha! Sige Meema. Tingnan natin ang determinasyon mo.
2. Maglinis
- Hmm.. mag-aral kaya muna ako ng nihongo? (Umm! Batok!)
3. Magsulat ng recipes sa notebook
- Nakakaawa nang tingnan yung mga cut-outs at print-outs. Napuno ng mantika at kung anuano pang salsa. Haha!
4. Mag-upload ulit ng pictures
- Iiwanan ko nga lang mag-upload, di ko pa magawa. Walang gana. Tsk tsk tsk!
5. Magbasa ng libro
- Parang pag-aaral ng nihongo, hahahaha!
6. Asikasuhin ang spam hoard
- Eeeeee… hassle eh.
Kitam? Talagang walang gana. Sa kawalang gana ko eh binlog ko na lang para malaman ng mundo na pinag-iisipan ko naman kahit papaano. Effort pa rin!
O sya, tinatamad na akong magblog. Sa susunod na lang, kung sipagin.
Bakasyon. Lubuslubusin na ang pagiging tamad.
(Ay lintik na matinik, I just learned na me tag pa tong suot ko na dalawang beses ko nang sinuot at nilabhan. Weh!)









