I Mourn the Sudden Departure

August 11, 2006  //  Posted by: meemax  //  Category: Uncategorized

Pinaala ng tatay ko na may mga cute na CUTE akong pamangkins. Ayan may mapagbibigyan na ako ng gameboys ko at alam kong di nila pababayaan un.

Not that may tiwala ako sa isang 7 year at isang 4 year old. May tiwala ako sa ability sa Sis kong ipatahimik sila in one glare. Ha! Di kaya ng sarili kong nanay yan (Tatay ko pa, may pinagmanahan). Although my gameboys are entering a relatively dangerous world of sticky hands and flying tantrums, I know there are in good hands (sticky but good).

(Ate, wag pabayaan. Alaga ko yan.)

Ayan excited na ako at magagamit na rin. Hmmm… kaseng edad pa naman ng bunsoy namin ung isa nung nilublob nya ung gameboy classic. Pero, no worries. Kaya ng mahusay kong ate yan. =D

Speaking of which, habang inaayos ko at tinetesting ung gameboy color at gameboy advance; nakita ko ung gameboy classic. Ang kalolo-lolohan ng mga gameboy! approximately 10 years ago nung nilublob ni bunsoy. Hay… Memories.

(So mga 300 years old na ung gameboy. A gadget year is same as 30 man-years. Kase by 2 years, magreretire na sila kase obsolete na sila hehehee! Parang 65 years natin.)

Sinubukan kong i-on ung classic. Wala lang trip. Hehehe… got 4 double A’s, saksak ng bala, switch on.

CLING!

Ay tumatalong palaka sa langit! Umaandar. Oh my Gosh my Gulay!

(Nakapagilang rounds pa ako ng Dr. Mario hehehee…)

Ayoko na tuloy ibigay ung mga gameboys. Masisira ung family.

So before I let them go, one final picture. Sana maging masaya ung mga gameboys ko sa next family nila.

Iyong sa left, iyon ang ibibigay ko sa mga pamangkins: Malaika and Biboy.

Hay getting sentimental. I know, I know. It’s weird. Well, some people have dogs and cats. I have gadgets. Ganun talaga eh. Paki nyo ba!

Isang Araw ni Tambay Meema

August 06, 2006  //  Posted by: meemax  //  Category: Uncategorized

Kwento ko lang anong nangyari sa isang araw ng jobless life ko.

Putol na ang phone ko for a week now. Umabot ng credit limit. Ilang araw na akong nakakakuha ng SMART message na bayaran ko na raw o mapuputulan ako. Kase, lakas magtext. Kaya heto, all incoming (call/text), no outgoing.

So imagine my surprise (and my happiness!), without bayad, biglang ginising ako ng message one morning:

“Hello! Your credit limit has been increased to PXXXX.00″ Almost 2 times ng current limit ko! Yey may outgoing ulit ako! Pero weird. Hmm.. “Pwede pala yun? Bakit?” isip ko. “Bahala na. Tulog nga ulit. Aga pa. Basta swerte ko.”

May phone interview ako dapat ng hapon. (Syempre hapon. Hilik pa ang beauty ko sa umaga hanggang tanghali. Pangit naman kung sa phone interview boses-kama pa ako. Wehehe!) Tapos, nagring ang cellphone. Argh! Di ba ako patutulugin ulit!!!

Job – XXXXXXX displays on my screen.

Sy*t! Tumatawag na ung interview. Akala ko ba hapon pa? Magboboses kama ako neto.

Answering.

“Hello, Ms. XXXXXXX ?”

Wow! Hindi ako boses kama. Himala! (Promise. It was.)

After interview, putol na rin tulog ko, I got online.

YM: “Meema asan ka?”
AKO: “Bahay. San pa ba? Mamutamuta pa nga eh.”
YM: “Tawagan mo si X. Hinahanap ka! Something’s wrong. Kausap ko online kanina umiiyak ata.”
AKO: “What?!?!?! Lint*k na!”

I got a hold of her after missed calls (sumagot ka damn you!). She was not herself. Iyak. Hikbi. Hagulgol. Pagwawala na hindi mo maintindihan!

Nakainom na sya ng 12 (or more) strong sleeping pills, ilang vitamin C at ilang myra-e.

(Actually, di nya naubos ung vitamin C at myra E dahil di nya na mabuksan ung foil ng tablet sa sobrang high. Sinasampal nya na sa table baka bumuka. Funny kung di lang serious ung situation.)

I went there after I called my brother (who’s closer to the location) to intervene (nakipagwrestling pa sya para sa natitirang tablets). Lots of things happened after pero di ko na isasali.

Yun ang kwento ko.

She’s well now. She’s happy I think. I’m just happy na naincrease ung limit ko that day at namove (early) ung interview ko that day. Ayoko nang isipin anong mangyayari kung di ako ginising ng interview para magonline; kung di nag-increase ung limit ko to call her.

I believe in happy coincidences. But this, I think this was a miracle. Buhay ang bestfriend ko. And I’m eternally grateful sobra!

(Plus yung miracle na ginising ako ng Diyos ng maaga via interview at inayos nya boses-kama ko. O di ba? God thinks of everything. Thanks Holy Dude!)

Kaligutpay is using WP-Gravatar